Masaya na sana ako ngayong araw, kaso nasiraan ako ng bait matapos nung exam sa Linggwistika idagdag mo pa ang napakalupit na traffic sa edsa kanina pauwi, parang gusto ko na ngalang bumaba ng bus at samahan yung traffic enforcer, tamang stop-go lang sa gitna ng daan hahahahaha legit din yung pagsesenti ko kanina sa byahe, mga tugtugan ko ba naman ay mga kanta sa tictoc ang solid, parang gusto ko na ngalang sumayaw kanina kaso naalala ko barok pala ako sumayaw awit sakin hahhahahahaa sa dalawang oras na byahe, nakaramdam ako nang labis na antok. Gusto ko na nga sanang matulog kaso may talaarawan pa pala akong gagawin, hindi ko naman sinasabing panira ng antok itong gawain na ito, pero parang ganun na nga joke katamaran hits me again hahahaha aylabwriting taLA:araWAN talaga, nilamon na ko ng linggwistika pasensya hahahahhahaa yun lang magbabasa pa ko sa profed kasi may recitation kami bukas hehi yun lang goodnight diary.
Ngayong araw ay mayroon kaming tatlong subject na bakante, dahil hindi papasok yung tatlong prof namin. Yung dalawa ay binigay ang oras nila para sa mga gatambak na schoolworks, at ang isa naman ay hindi makakapasok dahil masama ang pakiramdam. Ang last subject teacher naman namin ay nagdiscuss lang, pagkatapos ay nagpagroupings. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko ngayong araw, pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Wala talaga akong balak pumasok kasi wala akong tulog dahil sa dami ng mga gawain, dagdag mo pa na nakakatakot magkasakit kasi uso ang ncov, ang simpleng pagbahing mo ngalang ay pagtitinginan ka na agad, kung kaya't wala talaga ako sa wisyo. Alam mo yung pakiramdam na pumapasok ka lang kasi sa attendance ka nalang bumabawi kasi wala ka naman utak hahahaha nakakainis lang diary, yung iba kong classmate nakakabilib kasi kahit umabsent sila, mataas pa rin ang gradong natatanggap nila samantalang ako sa attendance nalang umaasa at sa pagpapasa ng lahat ng requirements. Mayroon akong isang classmate na kahit palagi siyang umabsent ay kasama pa rin siya sa Dean's lister, nakakainggit lang. Mapapasabi ka nalang ng "Sana ol may utak". Yun lang diary, secret lang natin na wala akong utak.
Masyadong busy ang araw na ito sa amin, wala akong ibang ginawa kundi ang schoolworks dahil ang daming ipapasang mga gawain para sa linggong ito. Kasalukuyan kong pinoproblema ang prelim namin sa Varayti at Baryasyon ng Wika, nag-assign ako ng mga gagawin sa mga kagrupo ko. Ugali kong nagse-set ng deadline kung kailan o anong oras ipapasa para tantyado ko ang oras. Gayunpaman, kahit nagset ako ng date kailangan kong unawain yung mga members na hindi pa nagoonline o mahuhuli sa pagpapasa. Kahit papano ay sinwerte ako sa mga kagrupo ko dahil mayroon ako kahit papanong kaagapay sa pagpupuyat para matapos ang gawain. Masaya akong bago pa mag-alas-onse ng gabi ay natapos na namin ang aming gawain, yun lamang diary.
Ngayong araw nakatakdang ipasa ang prelim namin sa Varayti at Baryasyon ng Wika, gayundin ang pag-uulat namin ng aming Concept Paper sa Contemporary World. Matapos namin mag-ulat ay dumiretso ako sa palikuran, dahil ugali kong gumamit ng banyo matapos mag-ulat dahil doon ko nilalabas lahat ng kabang naipon bago, habang at pagtapos mag-ulat. Kabado kasi ako kapag magsasalita sa harap ng maraming tao, pero kaya ko namang magsalita o magpaliwanag kapag dalawa hanggang limang tao lang ang kakausapin ko. Ayun nga, habang naghihintay ako nang may matapos gumamit ng cubicle, may napansin akong isang estudyante na nakaupo sa sahig ng isang cubicle, pansin kong gumagalaw siya nang kaunti, parang humihikbi, nacurious ako kung anong nangyayari sa kaniya kaya, makalipas nang ilang segundo lumabas sa katabing cubicle yung classmate kong si Winnie, sinabi ko sa kaniya yung nakita ko, at napagdesisyunan naming kakausapin namin siya thru sulat. "Okay ka lang ba?" ang nilagay namin at nilusot na namin sa ilalim ng pinto ng cubicle na yun, after 3 minutes siguro tsaka lang siya nagrespond. Dun nalaman namin na may pinagdadaanan nga siya. Bumalik na kami sa room kasi paparating na ang last subject teacher namin, nilagay nalang namin sa note na i-message nalang niya kami kung kailangan niya ng makakausap. Sa mga oras na yun diary, narealize ko lang na kung pakiramdam mo ay ikaw na ang pinakaproblemadong tao sa mundo, paano pa kaya yung iba? Yung broken family, yung mga hindi nakakaangat sa buhay, yung mga mag-isa lang sa buhay ganun, ang lungkot lungkot kayang mag-isa. Kaya sana kung ano man ang problemang pinagdadaan nung babae kanina sa cr, sana umokay na siya, sana huwag siyang sumuko, sana magpatuloy siya, wala namang pagsubok si Lord para sa atin na hindi natin kayang malagpasan, nasa diskarte lang yan.
Solid itong araw na 'to kasi nagshareyds kami ng mga kaibigan ko. Tawang-tawa ako to the point na naiihi na talaga ako kasi hindi mahulaan nung kabilang panig yung mga pinapahulaan namin. Pano ba naman kasi, ang mga pinapahulaan namin ay "The Conjuring", "Insidious", "Texas Chainsaw Massacre", "Final Destination" at kung ano pang mga horror movies. Habang kami ay chill lang dahil bukod sa maalam kami ng mga kagrupo ko sa mga movies, magaling pa kaming mag-act ng mga ipapahula.
Usual day lang naman itong araw na ito, bukod sa discussion ng mga teachers ay Biyernes ngayong araw ibig sabihin pahinga day kinabukasan. Nakakasanayan ko na rin na matapos ang ilang mga gawain ay magbibigay na naman ng panibagong gawain ang mga guro, kung kaya't kabisado at kahit papano ay gamay ko na kung kailan at anong mga teknik ang gagawin ko. Pahinga now, Plano later, Isip then Kilos. Ganun ang strategy ko. Kaya naman pagkauwi ko ay natulog agad ako. At pagkagising ay gumawa agad ng "TO DO LIST" at yun. Naging routine ko na ang ganun kapag Biyernes diary, sisimulan ko yung unang kalahati ng mga gawain then linggo ko tatapusin lahat.
Mula kaninang umaga hanggang tanghali, bukod sa kumain ay tumulong ako sa gawaing bahay, gaya nalang ng paglalaba, paglilinis ng bahay na nakagawian na ng aming pamilya. Tuwing sabado lang kasi kami nagsasama-sama, nagkakasabay-sabay sa hapag-kainan. Lahat kasi ay may kaniya-kaniyang gawain, at magkakaiba ng schedule. Masaya ang araw na ito diary, kasi ang sarap ng ulam namin noong tanghalian, tinolang manok na pinartneran pa ng patis na may calamansi at sili, idagdag pa ang nagyeyelong coke, at sasabayan pa ng naguumapaw na kwentuhan ng bawat isa sa amin. Para sakin diary, ang pagkain nang sabay-sabay kasama ang iyong pamilya ay tunay na nakakatanggal stress. Masaya ako diary, kumpleto at masaya kaming pamilya. May konting nakakaasar lang talaga kasi palagi akong target ng mga kapatid kong lalaki sa pambubuyo. At oo diary, puro lalaki ang mga kapatid ko, at lahat sila ay hilig akong buyuin. Masaya at tunay na nakakatanggal ng pagod kapag kasama mo ang iyong pamilya. Ang komunikasyon ay nagiging instrumento upang pagdutingin ang mga araw na hindi kayo nagkakasama. Sa kinahapunan naman ay natulog lang ako at pagkagising ay nanood ng "Dr. Romantic Season 2". Gumagamit din naman ako ng social media kung minsan, hindi madalas dahil ewan hindi ko lang trip, ang madalas ko lang gamitin ay Messenger at Instagram. Ayun lang wala nang iba, takaw sa storage nung ibang apps eh kung hindi ko naman gaanong ginagamit. Yun lang diary, goodnight.
Dahil linggo, may nstp kami. Kagabi ko pa pinagdarasal na sana kagaya nung ibang section ay wala rin kaming pasok kasi sobrang nakakatamad diary. May entrance exam kasi ang mga nagbabalak mag-aral sa RTU, kaya naman wala kaming gagamiting room. At oo, bukod sa sobrang daming estudyante ngayon sa school ay napakainit rin naman talaga. Sa lobby kami nagklase, dahil nga maraming tao, at open ang lobby, hindi rin kami nagkakarinigan. Saglit lang din nagklase si ma'am, mga isang oras lang rin kaya naman nakakalokang talaga. Mas matagal pa hinintay namin kaysa sa pagkaklase niya. Hindi na rin ako nagtagal pa at umuwi na rin ako agad dahil, bitin ang tulog ko dahil 1 am na ko natulog at gumising ako ng 4am. 11:40 am na ako nakauwi, at saktong tanghalian na noong naabutan ko ang aking pamilya, sumabay na ako at mahusay! Dahil ako ang maghuhugas ng mga pinggan. Hanggang dito nalang muna diary, tulog na ako.
Dapat talaga hindi na ko papasok ngayong araw dahil wala naman daw papasok na prof, pero dahil may meeting daw group namin sa Contemporary World, pumasok na rin ako. Laking gulat ko kanina pagkapasok ay sa-sampu lang kami sa room, at wala ang mga kagrupo ko. Galeng! Mabuti nalang at pumasok ang mga kaibigan ko at naglaro nalang kami ng shareyds! Ayun sinali din namin iba naming classmate, sobrang laughtrip talaga, pero mabilis din natapos dahil suspended na raw ang klase dahil sa kumakalat na sakit na kung tawagin ay Novel Corona Virus Disease. Diretso uwi na rin ako dahil nakakaalarma namang talaga at nakakatakot ang dulot ng sakit na NCov. Gaya nang nakasanayan, tayuan ulit sa bus, ang hirap sumakay ngayon dahil nga nag-uwian na lahat, suspended na at maski ata mga manggagawa ay wala na ring mga pasok. Pagkauwing-pagkauwi ko ay naghugas agad ako ng kamay, dahil kung saan-saang bahagi ng bus ako kumapit, mahirap na at baka matyempuhan. Kasalukuyang nagkakagulo sa gc ng block namin, pinag-uusapan kung hanggang bukas lang ba walang pasok o hanggang Biyernes. Habang namomroblema ang lahat sa walang pasok ay namomroblema din ako dahil mukhang makikipagsabayan ang mga prof namin sa pagbibigay ng mga gawain, sa araw ding ito nagbigay ang tatlong prof namin ng mga gawain na talaga namang iisipin ng mga estudyante.
Kahit walang pasok ay maaga pa rin akong nagising, narinig ko kasi ang usapan nila mama at papa, namomroblema sila kung saan kukuha ng pera, wala na kasing pasok hanggang Biyernes. Sa mga ganitong araw, parang gusto kong kontrolin ang mundo, kung saan ang mga mahihirap ay makakaahon sa hirap ng buhay, at ang mga mayayaman ay magiging kapantay ng mga nasa mababang uri. Lahat pantay-pantay, walang mayaman o mahirap, lahat masaya lang at payapa ang buhay. Wala lang diary, kapag ganitong panahon kasi pakiramdam ko ang hirap hirap ng buhay, umaasa lang kami sa pagmamaneho ng pedicab ni mama at si papa naman ay walang permanenteng trabaho, umaasa lang sa tawag - kapag may tawag, may pasok, madalas ay thrice a week, at kung minsan ay anim na beses lang silang may pasok sa loob ng isang buwan. Mahirap na nga ang buhay lalo pang pinahirap dahil sa Ncov na yan kainis! Imbes na nasa paaralan kaming magkakapatid, nag-aaral para makatulong kina mama, heto kami lahat tambay sa bahay. Pinoproblema kung anong kakainin para bukas, san kukuha ng pera. Dagdag mo pa na naputulan kami ng internet noong linggo, nakakatamad lalo hays. Sana bumuti na ang lagay ng Pilipinas, sana bumalik na lahat agad sa dati, habang kakaunti palang ang apektado ng COVID-19 sana maagapan na kaagad. Ang hirap kasi ng buhay diary, mas lalong hihirap kung tatagal pa ang problemang nararanasan natin ngayon.
Dahil sa isang linggong walang pasok, nagbigay ang mga prof namin ng gatambak na gawain, dalawang research, quizzes online at iba pa. Dumami rin ang mga facebook group, group chat at google class. Wala namang problema SANA sa akin ang Online Class Learning dahil naranasan ko na 'yan noong senior high school dahil Blended Learning kung saan 50% online at 50% face to face. Ngalang, wala kaming internet, at problema ngang talaga dahil wala rin akong panload, dahil problemado na nga kung saan kukuha ng pera sina mama, sasabay pa ba naman ako. Pero kahit papano, nagpapasalamat ako sa Gcash dahil mayroon pa akong 150 pesos balance, na namroblema pa ako kung paano ko mabubuksan dahil kailangan din ng internet. Sobra akong nagagalak dahil ang mga app palang katulad ng Gcash ay makakatulong sa akin, at siyempre mabuti nalang ay nagload ako noon sa Gcash kaya ayun may laman. Ang poproblemahin ko nalang ay kung kailan lang ako dapat magload dahil kailangan kong tipirin ang balance ko. Ayun lang diary, i feel blessed kahit papano ay makakasabay pa rin ako sa Online Learning at nagawan ko ng solusyon ang problema ko hehe.
Grabe ang lungkot, naaawa ako kina mama dahil namomroblema sila kung saan kukuha ng pera, kung paano kami makaka-survive sa loob ng isang buwan, at oo diary, isang buwan nang mawawalan ng pasok lahat. Paano? Paano na? Kung kami ngang sakto lang sa buhay ay namomroblema, paano pa kaya yung mga nasa mas mababang estado ng buhay? Grabe, problema talaga itong Covid. Nakakasuyang magkikilos ngayon diary, dahil ang iinit ng mga ulo ng mga tao dito sa bahay, naiintindihan ko naman sila, dahil maski ako rin naman ay namomroblema sa mga nangyayari sa Pilipinas. Gayunpaman, naniniwala ako na pagsubok lamang ito ng Poong Maykapal, ang pananampalataya natin sa kaniya na patuloy na manunubalik sa ganitong uri ng problema, kung kaya't naniniwala ako na ang kapangyarihan ng pagdarasal lamang ang sagot sa lahat.
I thanked God kasi kahit papano ay may nakakain kami sa araw-araw, at kahit papano nakakasabay pa kami sa takbo ng buhay. Apat na beses pa rin kaming nakakakain (almusal, tanghalian, meryenda at hapunan) nakakatuwa lang diary, kasi patuloy ang kabutihan sa puso ng mga tao. Kanina kaya kami may pambili ng makakakain ay sinwelduhan si mama ng may-ari ng karinderyang pinaghuhugasan niya. Yung perang yun ay sa tingin ko naman ay makaka-abot nang isang linggo. Nakabili rin si mama ng mga biscuit, mga delata, mga kape, gamit sa banyo, mga gamot, vitamins at saka mga uulamin sa mga susunod pang araw, para hindi ka lalabas nang lalabas si papa. Dagdag pa dun diary, itinigil muna pansamantala ang Online Class - yung mga quizzes at reporting,ipagpapatuloy na lamang daw sa susunod na linggo. Gayunpaman, ang mga gawain namin ay patuloy pa rin ngunit ang lahat ng deadline ay sa pagbabalik pa ng klase.
Ang mga ginawa ko ngayong araw ay schoolworks; natapos ko ang sanaysay na patungkol sa Sining at Agham, yung PowerPoint at document ng "Prank", at saka ang pag-a-update ng aking blogspot na mukhang nilalangaw na sa tagal kong buksan. Kahit papano ay pakiramdam ko ay gumaan ang aking mga gawain, dahil nabawasan din kahit papano. Namimiss ko nang pumasok, namimiss ko nang bumyahe, lumabas ng bahay, suotin yung uniform ko, makahawak ng baon, at syempre namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Iniisip ko nga kung anu-anong mangyayari pagkatapos nitong quarantine, sa isip-isip ko, hindi lang naman negatibo ang magiging epekto nitong lockdown, kasi kahit papano, ito ang pagkakataon nating makasama ang ating mga pamilya, makapagpahinga, subalit yun talagang kabuhayan ng ibang taong araw-araw kung kumayod, paano sila? Saan sila kukuha ng perang ipambibili nila ng pagkain para sa pamilya nila, yung mga magtatapos ng pag-aaral, imbes na nakapokus lamang sila sa kanilang ojt, thesis, o kung ano pa mang requirements ay ihihinto na muna nila dahil nga walang pasok at bawal lumabas ng tahanan, at marami pang iba. Kaya sana, hinihiling ko na ang mga may kakayahang tumulong, yung mga taong may pera, nawa ay tulungan nila ang mga salat sa pera, kasi sa panahon ngayon, pagtutulungan nalang talaga ang susi para sa problemang ito.
Badtrio itong araw na'to, kaninang umaga pa ako nagvideo ng exercises sa PE, okay na eh isesend ko nalang talaga, ang kaso dahil nga video yun, matagal maisesend o maipopost. Nagpaload ako ng 50php para maisend yun kasi kinabukasan ay deadline na. Inabot ako nang siyam-siyambsa pag-aantay na masesend, pero bigla lang nagloko, ending hindi naisend. Sinubukan kong isave sa google drive, isend thru gmail, messenger, ipost sa facebook at maski sa Youtube ay sinubukan ko na rin. Pero ayaw talaga niyang masend, sobrang naiinis na talaga ako, dahil baka mamaya hindi ko pa masend. Sa Edmodo kasi isesend, ang Edmodo ay isang online classroom application. So ayun, badtrip talaga, paubos na ang load ko dahil kung anu-anong app na ang pinaggamitan ko. Bandang 10pm ay sinubukan ko na talaga ang Youtube, dun ko pinost, kinopya ko nalang ang link at sinend ko sa prof namin. Ayun video ng exercises lang naman at pagsesend ang ginawa ko ngayong araw pero pakiramdam ko ay dami-dami kong ginawa. Nakakastress, kasi akala ko hindi pa ako makakaabot sa deadline. Naubos rin ang load ko.
Nagsimula na ang video reporting sa Varayti at Baryasyon ng Wika at sa Contemporary World. Salamat sa dati kong classmate na nautangan ko ng load at ayun napanood ko ang mga report ng aking mga kaklase. May quiz pa kami sa varayti. Sa kabilang banda, sobrang nasiyahan ako sa isang online game na kung tawagin ay "Buddy Meter", gagawa ka ng mga tanong at choices tapos ay isesend mo ang link sa mga kaibigan mo para sagutan. Tawang-tawa ako dahil puro laughtrip lang ang mga ginawa kong choices, lahat ay tama pero mayroong pinakatumpak na sagot, kumbaga ay pampalito lang. Ang nakakuha ng pinakamataas na score ay si Miles, 5/10. Ayun lang diary.
As usual, tuloy ang Online Classes. Nagsulat rin ako ng mga talakay sa Panimulang Linggwistika. Bukod pa ron ay nanood ako ng KDrama na pinamagatang Doctor John. Sobrang angas ng istorya, grabe! Si Dr. John kasi ay isang anesthesiologist, kung saan sila ang bahala kung paano nila kokontrolin ang sakit na nararamdaman ng isang pasyente. Ang twist ng istorya ay may Fabry Disease si Dr. John kung saan siya mismo ay walang kahit anong pakiramdam - hindi siya nakakaramdam ng sakit, kahit saksakin mo siya, hindi niya nararamdaman. Hindi rin niya nararamdaman o nalalasahan ang malamig at mainit. At ang pinakamalala pa ron ay dahil nga wala siyang pakiramdam, hindi niya alam kung may sakit na ba siya o wala. Sobrang nagustuhan ko itong Kdrama na'to, dahil sobrang nakakatalino, ang dami mong matutunan na mga rare na mga diseases, at marami pang iba. Mahilig talaga ako sa mga Medical na genre na mga palabas kung kaya't nakakatuwang mapanood ang isang ito. Pangatlo si Doctor John sa mga hinahangaan kong mga doctor sa larangan ng Kdrama.
Natapos ko nang panoorin ang Doctor John, kung kaya't nagbasa naman ako ng nobela sa Wattpad na pinamagatang "I love you, Ara". Nacurious lang ako sa title at cover ng libro, parang ang creepy. Umpisa palang kagulat-gulat na, yung inakala kong nakakakilig na istorya ay nakakatakot pala. Unang kabanata palang ay may bangkay na. Maikli lang ang nobelang ito kumpara sa mga nababasa kong umaabot ng 95 na kabanata, kaya naman natapos ko din agad basahin. Nakakatakot talaga, istorya ng mga may sapak sa utak. Nakakatakot ngang talaga pero ang angas ng mga twist, iisipin mo kung sino ba talaga ang pumapatay, patay na ba talaga si Ara ganon. Sa kabilang banda, ayos naman ang araw na ito, bukod sa panonood at pagbabasa ng Wattpad ay ayos ang buhay namin, nakakakain kami. Natututong magtipid sa mga pagkain, at patuloy na kinakaya ang hirap ng buhay. Masaya rin dahil magkakasama kaming pamilyang kinakaharap ang ganitong uri ng pagsubok.
Wala ng quizzes na magaganap ngunit ang reporting o talakayan at mga pagbibigay ng mga gawain ay patuloy pa rin. Kahit papano ay nakabawas sa isipin, subalit nagbigay na rin ng mga gawain ang ilan pang mga prof, nabawasan saglit pagkatapos ay nadagdagan naman ang mga gagawin. Gayunpaman, ngayong araw ay nagpahinga lamang ako. Pahinga sa panonood, pagbabasa at pag-aaral, natulog lamang ako maghapon. Gumigising lamang ako para kumain pagkatapos ay magpapahinga saglit at babalik na sa pagtulog. Kahit papano ay pakiramdam ko ay ito ang bawi ko sa mga panahong pumapasok akong kulang sa tulog o hindi kaya'y walang tulog. Nakakatuwa lang rin na nakita ko ang pagkakataong ito bilang panahon para makapagpahinga kahit papano.
Pasahan ng ilang mga gawain, thankfully tapos ko na ang mga yun at ipapasa nalang. Natulog lang ulit ako maghapon dahil wala namang internet at para kahit papano ay hindi makaramdam nang gutom. Bandang 5pm na ko nagkaroon ng internet, para ipasa ang mga natapos kong gawain. Usual day lang naman ito, bukod sa pagtulog ay nanonood rin kami ng mga pelikula sa Cinemaone. Nababaliw na ko dito sa bahay, wala na ngang internet, wala pang mapagkaabalahan. Gusto ko nang bumalik lahat sa dati, gusto ko nang matapos itong lockdown. Gusto ko nang mag-aral sa paaralan. Hindi ako komportableng mag-aral sa bahay, nakakatukso lang matulog at tamarin. Ayun lang diary.
Dahil sabado ngayon, nagpaload ako. Sinimulan kong gawin ang ilang mga schoolworks ko para kahit papano ay mabawasan ulit. Nakatapos naman ako ng tatlong gawain at sinend ko na rin agad. Pagkatapos ay inilaan ko ang natitira kong load para sa Wattpad. Hindi na kasi libre magbasa offline, kailangan na ng internet at mayroon pa itong advertisements matapos ang dalawang kabanata. Binasa ko ulit ang I love you since 1892. Isa ito sa pinakapaborito kong nobela, bukod sa nakakakilig na istorya, nakakatalino rin. Para sakin ay hindi ito ordinaryong kwento, tumutukoy kasi ito sa isang babae sa taong 2016 na napunta sa taong 1891 upang isakatuparan ang misyon niyang panatilihing buhay ang bidang lalaki na siya namang minahal niya. Panahon iyon ng himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-abusong mga Espanyol. Nagbigay aral din itong I love you since 1892 para sa akin na bigyang-importansya ang kasaysayan ng Pilipinas at pahalagahan lahat ng bagay na mayroon tayo sa kasalukuyan. Ang dami kong natutunan, bukod sa pagpapahalaga ng kasaysayan, natutunan ko rin ang importansya ng komunikasyon noon kung saan wala pang teknolohiya at mas makikita ang sinseridad ng taong kausap mo nang harapan. Nariyan rin ang importansya ng teknolohiya, noon ay wala pang ilaw kung saan ay tanging gasera lamang ang ginagamit upang magkaroon ng liwanag at marami pang iba. Ngunit nagtapos ang istorya nito nang masakit sa dibdib, dahil hindi nagkatuluyan ang dalawang bida. Gayunpaman, nagtagumpay ang bidang babae na panatilihing buhay ang bidang lalaki. Nakabalik siya sa taong 2016 at naiwan niya naman ang taong mahal niya. Mabilis ko lang rin natapos basahin ito kahit pa binubuo ito ng 45 na kabanata. Ayun lamang diary, goodnight.
Hindi ko alam kung paano diary, pero mayroon na ulit kaming internet. Kung hindi mo naitatanong diary, caretaker si mama ng dalawang paupahan, isa rito sa Makati at isa rin sa Pasay, kaya naman mabuti at binigyan si mama ng kaniyang amo ng sweldo na makakatulong nang lubos sa amin sa mga susunod pang araw. Nakapagbayad kami ng internet, itinawag nalang ni kuya sa Skycable. Nakakatuwa diary, dahil kahit papano ay maiibsan na ang pagkabagot ko sa aming bahay. Siyempre ang unang-una akong ginawa ay nagdownload ng mga kdrama (Itaewon Class, Crash Landing on You). Bukod pa ron ay bumili si mama ng mga stocks, para sa mga susunod pang araw. Nakakatuwa diary, dahil ang dating puro tubig na laman ng aming ref ay mayroon ng mga ulam, yakult, mga mamon, itlog at marami pang iba. Kaya ayun, nagpapasalamat ulit ako sa Poong Maykapal dahil hindi niya kami pinapabayaan.
Nakatapos ako ng ilang gawain at ang ilan ay sinend ko na agad sa google classroom. Ngayong araw pinost ni Sir Bosque ang aming Pinal na Gawain sa kaniyang subject. Gumawa na agad ako ng group chat ng aking mga kagrupo. Nakakatuwa lang dahil ang dalawa sa mga nakagrupo ko ay mga nakagrupo ko na noon at alam kong masisipag. Gumawa rin ulit ako ng 'To Do Lists' na gagawin ko sa susunod na linggo.
Ngayong araw, bukod sa school work ay nagbasa lang ako ng Wattpad, He's into her ang pamagat. Nabasa ko na ito noon, pero binabasa ko ulit dahil ito ang pinakapaborito kong nobela. Hanggang Season 3 ito at talaga namang mahaba ang kwento. Kulang ang isang araw, dalawa o tatlong araw para matapos mo ang nobelang ito. Napakaangas, nakakakilig at nakakaiyak ito. Sa tingin ng iba ay common ang takbo ng istorya na ito kung saan ang bidang lalaki ay mahilig mambuyo at isa sa nabuyo niya ay ang bidang babae na siya namang nakuha ang loob niya. Season 1 palang ako kung kaya't matagal-tagal rin at sa palagay ko ay aabot pa nang isang linggo ang pagbabasa ko ng buong nobela. Gayunpaman, napapawi ang aking nakakabagot na pamamalagi sa loob ng bahay.
Hindi ko talaga gusto ang ideyang gigising nang maaga para magpa-araw. Ewan ko ba diary, pakiramdam ko kulang na kulang ang tulog ko kapag ginigising kami nang maaga, vitamins daw yun at aware naman ako dun. Hindi ko lang talaga trip ang isang yun, sumasakit kasi ulo kapag ginigising ako nang maaga gayong wala namang pasok. Bukod pa ron diary, as usual nanood ng mga video reporting ng mga classmate ko, mayroon na din written report kung hindi naman talaga makakapagvideo. Kahit papano ay natuwa ako dun dahil isa talaga ako sa mga hindi makakapagvideo nang maayos dahil mayroon kaming kasa-kasama sa bahay, which is my lolo, na laging nakaradyo, at kung magradyo ay napakalakas ng volume. Mahina kasi ang kaniyang pandinig at kapag sinubukan mo namang sabihan na hinaan niya, hayun magagalit pa. Kaya natuwa talaga ako na may written report nang magaganap, At tsaka may madaling magpaliwanag kapag nakasulat, ewan ko ba ayun ang trip ko hahahhahahaha yun lang diary, wala naman na akong masyadong ginawa bukod don dahil panay lang ang tulog ko.
Ginawa ko na kaagad ang written report ko sa Varayti at Baryasyon ng Wika na sa March 30 pa naman ipapasa, bukod pa ron, sinimulan ko nang gawin yung dalawang Personal na Sanaysay at sinagutan ko na rin ang pagsasanay na pinapasagutan ni Sir Mortera. Nakakatuwa lang diary, dahil ang productive ng araw ko ngayon, bagaman hindi ko pa naman talaga sinisimulan gawin yung mga mabibigat na gawain gaya nalang ng Summary ng lesson sa ProfEd mula Chapter 4 hanggang Chapter 8. Syempre kailangan ko munang basahin yun bago ko ma-summarize, ang isang kabanata pa naman ng ebook dun sa ProfEd ay pinakakaunti na ang sampung pahina, ang liliit pa ng sulat. Grabe ang tamad ko ba? hahahahhaa Nariyan din yung dalawang Reaction Paper sa Science, Technology and Society at syempre ang dalawang Research sa magkaibang subject. Ika-25 na ng Marso ngayon, pero yung mga madadaling gawin palang ang natatapos ko. Grabe talaga ang katamaran ko diary, kinakabahan ako baka ako nalang talaga ang hindi pa nakapagsisimula sa mga gawain. Send help diary.
Ginawa ko ang assignment sa PE, bukod dun ay nagbasa lang ako ng Wattpad. Tantei High ang binasa ko, tungkol ito sa Sixth Sense ng mga piling tao. Nabasa ko na ito noon, pero binasa ko lang ulit dahil namiss ko, napakaganda ng istorya nito, hindi lang tungkol sa abilidad, nariyan din yung pagkakaibigan, pamilya at pagsolb ng mga cases. Nakakatalino itong istorya nito dahil may ilang mga logic questions dun na pinapasagot, at tila may kakayahan itong pakilusin ka at magsagot din. Nariyan din yung kaabang-abang na mga cases, pakiramdam ko isa akong detective, at ayun yung habang tumatagal lumalakas yung abilidad ng Sixth sense. Sobrang nakakatuwa talaga diary, mala-anime ang ganitong uri ng kwento para sakin, nanonood din kasi ako ng anime. Ang dami kong hilig pansin mo diary? Bukod sa pagbabasa, nahilig rin ako sa panonood ng Anime at mga Kdrama at Cdrama. Sa pagbabasa naman, nagsimula ako sa Ebook noong Grade 6 ako, naalala ko pa noon Bluetooth lang ang kailangan, mayroon ka ng panibagong babasahin. Nakakamiss pero ayos na rin. Kapag nagbabasa kasi ako diary, pakiramdam ko may sarili akong mundo, isipin mo yun binabasa mo lang naman, pero para sakin pakiwari mo ay mga virtual images na nagpa-flash sa harap mo, ganun diary. Pakiramdam ko nga ay lumalawak ang imahinasyon ko kapag nagbabasa ako. Bukod pa ron diary, naalala ko rin na nagbabasa ako ng mga Precious Hearts Romances na pocket books, isa kasing manunulat yung pinsan ko dun at talagang nakakakilig ang mga istorya dun. Sa panonood naman diary, makikita mo talaga ang kaibahan sa pagbabasa, dahil dun ay napapanood mo talaga may mga mukha ang mga characters, may lugar at marami pang iba. Nakakatuwa lang din dahil sobrang nakakakilig. Pero pagbabasa pa rin kung ako'y papipiliin hahahahahaha
Nag-update ako ng talaarawan sa aking Blogspot. Hindi ko kasi agad pinopost dahil iniipon ko muna sa aking Notepad. Bukod pa ron ay nagsimula na akong magbasa sa Science, Technology and Society para makagawa na ako ng Reaction Paper. Ayun palang nagagawa ko pero pakiramdam ko ay kaunti nalang, nakakabaliw ang pagiging tamad na kagaya ko. Ang hilig kong gumawa ng To Do List, pero hindi ko naman natatapos sa mismong araw na dapat natapos ko. Ugali ko na yung ganun diary, kapag alam ko kasing matagal pa ang deadline ay hindi pa ko nakilos, puro ako plano then ayun tulala na ulit. Nakakatamad yung ganitong set-up diary, sa bahay ka lang. Eh, ang bahay namin ngayon ay magulo, namomoblema sa mga bayarin, saan kukuha ng makakain ganon, ang hirap mag-isip gayong sa bahay palang namin ay ang dami mo nang iniisip. Gayunpaman, kahit mahirap ay kailangan kong tapusin lahat ng gawain, responsibilidad ko iyon bilang mag-aaral na magpatuloy sa pag-aaral.
Ngayong araw ay nagcompile ako ng mga written report ng aming grupo at pagkatapos ay pinost ko na rin. Inihinto na kasi ang aming Online Class Learning, kung kayat tinapos na agad namin ang ilang gawain sa Online Class. Ngayong araw ay natapos kong gawin ang Reaction Paper sa Science, Technology and Society at ang Liham para sa Kabataan ng 2070. Nakakatuwa lang dahil ayun may natapos na naman ako, at kahit papano ay nabawasan ang aking natambakang gawain. Sobrang nakakamiss na talagang pumasok sa paaralan diary, miss na miss ko na ang RTU, mga classmates ko, mga teacher at syempre yung pakikinig ng talakay sa loob ng klase. Gusto ko na ring pumasok talaga, at bumalik ang lahat sa dati. Kasi habang tumatagal pa itong nangyayari sa bansa ay bumabagsak ang ekonomiya. Magiging tuta na naman tayo ng ibang bansa, hindi ko sinasabi ng China ah pero parang ganun na nga. Kawawa ang mga Pilipino kung ganon. Kami nga dito sa aming barangay ay wala pang nakukuhang tulong mula sa aming Mayor at maski ng mga opisyales dito sa aming barangay. Tangung mga mabubuti at may pera naming kabarangay lang ang nagbibigay ng tulong. Nariyan din ang tulong mula sa mga simbahan at kahit papano ay nakakatulong din sa amin talaga.
Ang saya ng araw na ito diary, pakiramdam ko ay hinahaplos ang puso ko. Mayroon kasi kaming kapit-bahay na nagrerent lang, naiwan siya ng mga kasamahan niya at tangung siya lang ang naiwan. Grabe, tulong-tulong kaming magkakapitbahay na magbigay sa kaniya ng kaniya makakain. Mayroong nagbigay ng bigas, mayroon ding delata, pancit canton at kami naman ay nagbigay ng ulam. Nariyan din ang pagpapahiram sa kaniya ng kalan. Nakakatuwa lang diary, kasi gising ang diwang makatao sa panahong ito. Ang sarap sa puso, kapag nakakatulong sa kapwa ewan ko lang sa mga kurakot ng bayan. Aguy! Ayun lang diary, masaya ako dahil nakatunghay ako nang pagtulong sa kapwa.
Akala ko huling araw na ng buwan, may 31 pa pala. Ngapala diary, ngayong araw ay nanood lamang kami ng mga pelikula ni FPJ, kasama ko ang aking pamilya. Habang pinapanood ko si FPJ, naalala ko ang aking namayapang lolo. May mga pagkakataon kasing pareho sila ng paraan ng pagsasalita, ng kilos at dagdag mo pa ang isang palabaa doon na taxi driver si FPJ at lapitin ng mga chix. Nakakatuwa lang diary, namiss ko tuloy ang aking lolo. Napakabait kasi nun, kapag pupuntahan namin siyang magkakapatid, papa-cute lang kami at pagkatapos ay may pera na kami. Sobrang bait niya diary, wala na kong masabi. Noong burol niya nga ay hindi maubos-ubos ang kaniyang mga bisita, labis ang pagluluksa sa pagkamatay niya dahil napakabuti niyang kaibigan at lolo. Lolo ang tawag sa kaniya ng lahat ng mga bata, kamag-anak niya man o hindi dahil sobra siyang mapagbigay, inakala na ng iba ay lolo nila siya. Sa kabilang banda, bukod sa panonood ng mga pelikula, natutuwa rin ako dahil kahit papano ay may nakakain kami sa araw-araw. Gayunpaman, nakakalungkot na hindi na nabawasan ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid, bagkus ay nadagdagan pa. Sana talaga ay bumuti na ang lagay ng Pilipinas.
Ngayong araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng Wattpad. Sumali rin ako sa ilang mga grouo sa Facebook na may kinalaman sa Wattpad at mga fansclub ng isang istorya. Ewan ko ba diary, sobrang hilig kong sumali sa mga group sa facebook at maski sa Twitter at Instagram ganun din ang ginagawa ko. Nakakakilala kasi ako ng iba't ibang uri ng mga fangirl o fanboy. Bukod pa ron ay nagkakaroon ako ng mga kaibigan. Nakakatuwa lang din ang ganung uri ng paraan dahil kahit papano ay nagkakaroon ako ng mga kakilalang kapareho ko ng mga hilig. Sa kabilang banda diary, maayos na lumipas ang araw na ito, dahil masaya ako dahil kahit papano ay malulusog kaming pamilya at wala kaming sintomas ng Covid. Gayunpaman, nakakaalarma pa rin talaga ang lagay ng aming barangay, dahil bukod sa nagaganap na lockdown at quarantine ay wala pa rin kaming nakukuhang tulong mula sa mga opisyales ng aming lungsod. Ngunit, mayroon ding mabubuting loob ang patuloy na nagpapa-abot ng tulong sa aming barangay. Sana lamang ay gumawa na ng aksyon ang mga namumuno dahil hindi magiging mabuti ang kahahantungan ng kanilang pagpapahinga.
Ilang araw at linggo ang lumipas, ika-unang araw ng Abril ngayon, nakakapagtaka lamang na wala pa rin kaming nakukuhang tulong mula sa punong alkalde ng aming lungsod. May bali-balita ngang, nagseld-quarantine raw ang mayor at ang mga konsehal dahil nagkaroon daw sila ng contact sa isang DOH personnel na nagpositibo sa Covid. Ngunit, ewan ko ba at may parte sa aking isipan na hindi naniniwala, at sa palagay ko ay palusot lamang nila yun upang hindi sila matahin ng mga mamamayan ng lungsod. Nakakasuya ang ganoong klase ng opisyales kung totoo mang gumagawa lang sila ng pakusot upang pagtakpan ang kanilang pagka-iresponsable. Gayunpaman, nakakatuwang isipin na mayroon at mayroon pa ding mga may busilak na puso na nagbibigay ng tulong sa amin. Ilan sa mga yun ay ang sikat na lugawan sa aming barangay, nagbibigay sila tuwing umaga ng libreng lugaw sa bawat isa. Nakakatuwa dahil sa simpleng tulong na iyon ay maraming tiyan na ang nainitan at nabusog. Kaya naman nakakatuwa at nakakagaan nang loob. Sana ay pagpalain ang mga tulad nila ng Diyos ama at bumuti na ang lagay ng buong mundo.
It's 12:46 am, kasalukuyan akong tambay sa twitter at nagbabasa ng balita. Nakakagalit!!! Nakakatakot!!! Natatakot ako sa mga nangyayari sa bansa natin, natatakot ako sa gobyerno, natatakot ako. Pakiramdam ko ay sobrang kawang kawawa ang Pilipinas. Hindi pa tapos ang problema sa Covid-19, dumagdag pa ang mapang-abusong namumuno sa bansa. Nakakagalit nang sobra!!! Pakiramdam ko ay wala kaming magagawa, kaming mga pilipino. Pakiramdam ko ay nangyayari sa kasalukuyan ang mga nabasa kong pangyayari noong panahon ng kastila, kung saan alipin tayong mga pilipino sa sarili nating bansa. Nakakalungkot at labis na nakakagalit diary, sana matapos na ang lahat ng ito. Sana lang talaga.
Nagpatuloy pa ang ingay sa mga social media sites, at nagkaroon na rin ng pagtatalo na sinasabing nakikisali lamang ang ilang mga sikat na mga personalidad gaya ng mga vlogger at mga artista na kesyo nagmamarunong lamang daw at hinanapan pa umano ng ambag sa lipunan.
Kasalukuyang maggagabi na diary, maayos namang lumipas ang araw na ito. Kanina ay may kapit-bahay kaming namigay ng milktea, mayroon kasi silang milktea shop. Hindi rin naman sila nakakapagbukas kaya ayun gumawa nalang sila at pinamigay. Nakakatuwa lang dahil ang tagal na nung huli akong nakainom ng milktea. Ayun lang diary, wala naman ako masyadong ginawa dahil natulog lang ako.
Lumipas ang araw na ito na wala akong natapos na schoolworks. Nagbasa lang ako ng wattpad. Tinatamad akong kumilos eh. Nagpagawa nalang kasi ang mga prof namin ng mga gawain na ipapasa sa pagbabalik ng klase. Alam kong tamad talaga ako hahahaha aware ako dun, nakakatamad talaga diary as in! Ngayong araw din ay pinaasa kami dito sa aming barangay, sinabi kasing bibigyan ng relief goods ang mga mamamayan dito. Isang upuan kad isang blue ID ang ipipila. Umabot na ng alas-otso ng gabi pero hindi pa rin nagsisimulang magbigay sa aming kanto, kaya naman sinita na kami ng mga pulis at pinauwi ang mga tao sa kaniya-kaniyang bahay. Bawal na ang tao nang ganong oras. Naglalabasan kasi ang mga tao dito samin kapag narinig nilang may magbibigay ng relief goods. Labis ang excitement namin nung malaman namin na may matatanggap na kaming tulong mula sa mayor, pero ayun hindi naman natuloy dahil gabi na. Nakakasuya lang, itutuloy nalang daw kinabukasan.
Bukod sa pagkain, pagtulog at pagbabasa ng Wattpad, wala na kong ibang ginawa. Kapag maliligo ako ay sa gabi. Ngayong araw ay pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng ulo ko. Bahing din ako nang bahing. Kinakabahan ako dahil baka magkasakit ako, worst ay baka ma-NCOV pa. Hindi na nga ako nalabas ng bahay, magkakasakit pa ba naman ako? Kaya yun diary, alalang-alala sa akin si mama, panay sermon na dapat daw kasi ay nagpapaaraw ako sa umaga at hindi nagpupuyat. Akala ko nga ay sisisihin na naman niya ang cellphone kaya masama ang pakiramdam ko. Pero ayun, natakot din ako diary, dahil totoong hindi nila ako maaalagaan kung posible ngang magkasakit ako. Nakakatakot naman kasing dapuan ng sakit tulad ng sipon o ubo sa panahon ngayon, dahil aakalain na agad nilang posible kang magkaroon ng NCOV dahil nga naman isa yun sa mga sintomas nun. Gayunpaman, pahinga at masusustansyang pagkain ang mga kinakain namin plus nagbibitamina rin ako kaya naman kahit papano ay tiwala akong hindi ako magkakaroon ng Covid dahil isang tao lang naman ang nakakalabas sa aming tahanan, bukod sa kaniya ay wala na. Lahat kami ay hindi na nakakalabas ng bahay. Iniisip ko nga ay ano kaya ang itsura ng labas. Nakalimutan ko na nga ata. Kapag naman kasi magpapaaraw kami ay dun lamang kami sa aming bintana kung saan tapat na tapat sa sinag ng araw. Nawa ay umayos na ang kalagayan hindi lang buong Pilipinas bagkus ng buong mundo. NCOV chupi chupi!
Umayos naman na ang pakiramdam ko, pero nandun pa rin yung takot. Pero parang okay naman na, tsaka ngayong araw, binalitang may apat na nagpositibo sa aming barangay, kaya naman wala na talagang nagtatangka pang lumabas sa amin. Sa kabila ng pananatili sa bahay, ayos naman ang araw na ito, sama-sama kaming nanood ng mga vlog ni CongTV, tawa lang kami nang tawa. Bukod pa ron, gumawa ako ng one week meal plan. Pagkatapos ay natulog ako. Hindi ko alam diary, kung paanong tinitigyawat pa rin ako kahit na hindi naman na ako nagpupuyat at naghihilamos naman ako. Dati-rati ay sa noo lang at ilong lang ako tinitigyawat pero ngayon ay umabot na hanggang sa pisngi at talaga namang nakakabahala. Nakakababa ng self-confidence ang mga tigyawat para sa akin. Noon kasi ay sobrang kinis ng mukha ko, ang ilan sa mga kaklase at kaibigan ko ay naiinggit pa nga sakin dahil daw kahit magpulbo ako ay hindi ako tinitigyawat pero ngayon ay pakiramdam ko ayoko nang humarap sa kahit kanino dahil nahihiya ako. Hindi ako sanay na ganito na ang itsura ko, hindi na nga ako maganda, tinadtad pa ako ng tigyawat. Kaya kung magkakaroon man ako ng pagkakataon na kuminis ulit ang mukha ko ay hinding-hindi ko na ulit hahayaang dapuan pa ng tigyawat.
Ngayong araw ay natapos ko nang gawin ang gawain para sa Sanaysay at Talumpati, tanging ang talaarawan nalang ang kulang. Ngayong araw dahil nga tinapos ko ang gawain na iyon ay hindi ako nakapagwattpad o kung ano pa man. Naging masaya naman ang araw na ito sapagkat patuloy pa rin ang pagdating ng biyaya sa aming tahanan. Kanina kasi ay may nag-abot ng tulong sa amin, dalawang kilong bigas at ilang mga delata na tiyak na makakatulong sa amin sa mga susunod pang araw. Ngayong araw din ay nagluto si mama ng carbonara na matagal-tagal na rin nung huling kain namin nito. Bukod pa ron masaya ako dahil nakatapos ako ng gawain, palagay ko ay may oras na ulit ako para makapagbasa ng wattpad. Nagpapasalamat din ako sa mga nagbibigay ng tulong sa amin diary, nakakatuwa lang talaga, kaya nais ko rin kapag nakaangat ako kahit papano sa buhay ay tutulong rin ako sa kapwa.
Naiinis ako sa mga taong labis kung magreklamo at magdemand sa gobyerno ng tulong eh sila mismo hindi tinutulungan ang sarili nila. Ngayong araw kasi diary, may isa kaming kamag-anak na grabe kung makapagrant sa social media ng tulong mula sa gobyerno eh mga tamad naman sila, pati panggatas at diaper ng anak nila naging kasalanan ng gobyerno, anong malay ng gobyerno sa problemang pamilya nila diba? Dahil nga kamag-anak ko sila, kilala ko sila, mga taong palaasa pa rin sa ibang tao, may sarili ng pamilya umaasa pa sa kita ng magulang at mga kapatid. Mga hindi nagbabanat ng buto, at kapag nakahawak naman ng pera akala mo milyonaryo imbes na unahin ang mga kailangan sa bahay, hala sige sa panlilibre ng kung sinu-sino. Nakakainis diba? Sila ang mga tinutukoy ko diary, yung mga taong hindi pa man dumating ang krisis na "Novel Corona Virus" ay tatamad-tamad na talaga, sila yung walang karapatang magreklamo sa gobyerno ng kung anu-ano kasi in the first place, kasalanan na talaga nila yun.
Nasanay na naman akong magpuyat at tanghali na rin ako kung gumising. Ngayong araw ay may nagbasa ako ng isang nobela sa wattpad tungkol ito sa isang babaeng isip-bata, slowpoke at tatanga-tanga na nakapangasawa ng isang mafia boss. Sobrang solid ng story na'to dahil sobrang daming action scenes, na siya namang paboritong paborito ko. Gaya nga nung kwento ko nung nakaraan diary, sobrang naiimagine ko talaga lahat ng binabasa ko kaya ayan. Kaya ayun naghahanap-hanap rin ako ng mga movies na more on barilan, bugbugan kasi ang angas talaga. Noong nakaraang araw nga diary napanaginipan ko ang sarili kong napakagaling makipaglaban at humawak ng mga deadly weapon. Sa panaginip ko na yun ang lakas lakas ko raw at sobrang tapang, na kahit siguronisang barangay ang kalabanin ko ay kakayanin ko. Ang angas hahahaha sana ganun nga ko in real life kaso napakaimposible. Pero i hope so hahahaha in the future ganun ako katapang at kalakas.
Mayroon kaming kapit-bahay na lihim na nagpaabot ng tulong. Nagbigay siya ng pera kay mama para pambili ng mga relief goods at si mama na ang bahala kung paano niya ba-budgetin yun. Kung 'di mo naitatanong diary, presidente si mama sa aming kanto, kaya kung may mga pagpupulong tungkol sa mga problema sa aming kanto ay siya ang mamumuno. Bukod pa ron, nakakatuwa talaga ang mga taong tulad ng kapit-bahay naming nagpaabot ng tulong lalo pa yung ginawa niyang lihim na pagtulong. Yung mga kagaya niyang hindi na kailangan magpa-impress na may kakayahan kang makatulong para alam mo sa sarili mong nakatulong ka, ayun lang ang mahalaga. Hindi lahat ng may busilak ang puso ay makikita sa mga taong palasimba, madalas sila rin yung mga ordinaryong tao na hindi man linggo-linggo kung magsimba, nasa puso naman nila ang pagtulong sa kapwa. Ayun lang diary.
Biyernes Santo ngayon, kaya naman maaga kaming nagsiligo dahil may paniniwala kami na hanggang alas tres lamang maaaring maligo dahil wala na raw ang Panginoon. Hindi ko naman alam mula pa noong bata ako kung ano bang misteryo kapag naligo ka kapag alas tres ng hapon onwards basta alam ko lang ay bawal. Ngayong araw din ay wala kaming ibang ginawa kundi manood ng iba't ibang mga palabas tungkol sa Panginoon at kay Hesus. Gayunpaman, nakakalungkot pa rin isipin na andaming naantala dahil sa Covid. Ngayong araw ko sana mapapanood ang Way of the Cross at sasama sa prusisyon ng mga santo at santa. Kung 'di mk naitatanong diary, kasama ang aking kuya sa Way of the Cross kaya naman inaabangan ko talaga iyon. Nakakalungkot lang talagang isipin na hindi iyon natuloy. Sa kabilang banda, pinapanalangin ko talaga na bumalik na ang lahat sa dati dahil habang tumatagal ay bumabagsak ang ekonomiya ng bansa at mas lalong maghihirap ang mga Pilipino. Sana lang talaga gumalaw-galaw na ang mga nakaupo sa pwesto at magpakitang gilas sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.
Ang sarap manood ng mga vlog na tungkol sa mga tumutulong at nagpapaabot ng relief goods sa mga nahihirapan. Bukod sa pagkain, pagtulog at pagbabasa ng nobela sa wattpad ay nanood din ako ng mga vlog tungkol sa mga may busilak na pusong tumulong sa kapwa. Nakakatuwa lang diary dahil naisipan nilang gawin yun, yung perang kinikita nila hindi lang napupunta sa kung anu-ano, sa ganitong krisis nila naisipang gawing content ang oagtulong sa kapwa. Wala lang diary, para sa akin ayun na ata ang pinakamagandang content na maiisipan ng kahit sinong vlogger. Mas kapansin-pansin pa nga ang nagagawa nilang pagtulong kaysa sa mga opisyal na namumuno. Ayun lang diary, parang trip ko na nga rin magvlog dahil pakiramdam ko ang bilis ng pera at sa ganoong paraan mabilis akong makakaipon at makakatulong na rin sa mga taong hirap sa kani-kanilang buhay.
Ngayong araw ay masaya kaming nagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Panginoon. Maaga kaming gumising para manood ng "LIVE" na misa sa Facebook, matapos non ay masaya din kaming kumain ng aming almusal at dahil nga muling pagkabuhay nagdiriwang din kami - nagluto si mama ng biko at nagvideoke kami. Nakakalungkot nga lang isipin na dapat ito na ang huling araw ng lockdown ngunit nagkaroon ng extension, gayunpaman pabor pa rin ako, dahil hindi pa naman napupuksa o nasosolusyunan ang sakit na NCov. Mayroon ngang kumakalat na debate tungkol sa pabor bang ipagpatuloy ang klase sa pagbabalik ng klase o ipasa na lamang ang lahat ng mga estudyante. Sa akin namang palagay diary, magandang magpatuloy pa rin ang klase, dahil sa tingin ko labis na nangangailangan ang mga mag-aaral ng kaalaman at karunungan. Ilang buwang namahinga ang kanilang kaisipan kaya naman mas mabuti kung magpapatuloy ang klase, gayunpaman naniniwala ako na hindi magkakaroon ng mataas na pagtingin ang mga guro sa mga estudyante kaya naman kahit papano ipasa pa rin. Ako kasi bilang estudyante, alam kong naging tamad talaga akong gumawa ng mga schoolworks gawa ng walang pasok. Naging tulay ko ang lockdown upang gawin ang mga gusto ko at magpahinga sa mga gawain. Sa kabilang banda, alam ko rin ang gampanin ko bilang estudyante, kaya naman kung ano man ang gawing desisyon sa pagbabalik ng klase kung magpapatuloy ba o ipapasa na lamang ang lahat ay ayos lang sakin.
Entry # 1
ReplyDeleteMarch 2, 2020
Dear Diary,

This comment has been removed by the author.
DeleteEntry # 2
ReplyDeleteMarch 3, 2020

Entry # 3
ReplyDeleteMarch 4, 2020
Dear Diary,
Masyadong busy ang araw na ito sa amin, wala akong ibang ginawa kundi ang schoolworks dahil ang daming ipapasang mga gawain para sa linggong ito. Kasalukuyan kong pinoproblema ang prelim namin sa Varayti at Baryasyon ng Wika, nag-assign ako ng mga gagawin sa mga kagrupo ko. Ugali kong nagse-set ng deadline kung kailan o anong oras ipapasa para tantyado ko ang oras. Gayunpaman, kahit nagset ako ng date kailangan kong unawain yung mga members na hindi pa nagoonline o mahuhuli sa pagpapasa. Kahit papano ay sinwerte ako sa mga kagrupo ko dahil mayroon ako kahit papanong kaagapay sa pagpupuyat para matapos ang gawain. Masaya akong bago pa mag-alas-onse ng gabi ay natapos na namin ang aming gawain, yun lamang diary.
Entry # 4
ReplyDeleteMarch 5, 2020
Dear Diary,
Ngayong araw nakatakdang ipasa ang prelim namin sa Varayti at Baryasyon ng Wika, gayundin ang pag-uulat namin ng aming Concept Paper sa Contemporary World. Matapos namin mag-ulat ay dumiretso ako sa palikuran, dahil ugali kong gumamit ng banyo matapos mag-ulat dahil doon ko nilalabas lahat ng kabang naipon bago, habang at pagtapos mag-ulat. Kabado kasi ako kapag magsasalita sa harap ng maraming tao, pero kaya ko namang magsalita o magpaliwanag kapag dalawa hanggang limang tao lang ang kakausapin ko. Ayun nga, habang naghihintay ako nang may matapos gumamit ng cubicle, may napansin akong isang estudyante na nakaupo sa sahig ng isang cubicle, pansin kong gumagalaw siya nang kaunti, parang humihikbi, nacurious ako kung anong nangyayari sa kaniya kaya, makalipas nang ilang segundo lumabas sa katabing cubicle yung classmate kong si Winnie, sinabi ko sa kaniya yung nakita ko, at napagdesisyunan naming kakausapin namin siya thru sulat. "Okay ka lang ba?" ang nilagay namin at nilusot na namin sa ilalim ng pinto ng cubicle na yun, after 3 minutes siguro tsaka lang siya nagrespond. Dun nalaman namin na may pinagdadaanan nga siya. Bumalik na kami sa room kasi paparating na ang last subject teacher namin, nilagay nalang namin sa note na i-message nalang niya kami kung kailangan niya ng makakausap. Sa mga oras na yun diary, narealize ko lang na kung pakiramdam mo ay ikaw na ang pinakaproblemadong tao sa mundo, paano pa kaya yung iba? Yung broken family, yung mga hindi nakakaangat sa buhay, yung mga mag-isa lang sa buhay ganun, ang lungkot lungkot kayang mag-isa. Kaya sana kung ano man ang problemang pinagdadaan nung babae kanina sa cr, sana umokay na siya, sana huwag siyang sumuko, sana magpatuloy siya, wala namang pagsubok si Lord para sa atin na hindi natin kayang malagpasan, nasa diskarte lang yan.
Entry # 5
ReplyDeleteMarch 6, 2020
Dear Diary,
Solid itong araw na 'to kasi nagshareyds kami ng mga kaibigan ko. Tawang-tawa ako to the point na naiihi na talaga ako kasi hindi mahulaan nung kabilang panig yung mga pinapahulaan namin. Pano ba naman kasi, ang mga pinapahulaan namin ay "The Conjuring", "Insidious", "Texas Chainsaw Massacre", "Final Destination" at kung ano pang mga horror movies. Habang kami ay chill lang dahil bukod sa maalam kami ng mga kagrupo ko sa mga movies, magaling pa kaming mag-act ng mga ipapahula.
Usual day lang naman itong araw na ito, bukod sa discussion ng mga teachers ay Biyernes ngayong araw ibig sabihin pahinga day kinabukasan. Nakakasanayan ko na rin na matapos ang ilang mga gawain ay magbibigay na naman ng panibagong gawain ang mga guro, kung kaya't kabisado at kahit papano ay gamay ko na kung kailan at anong mga teknik ang gagawin ko. Pahinga now, Plano later, Isip then Kilos. Ganun ang strategy ko. Kaya naman pagkauwi ko ay natulog agad ako. At pagkagising ay gumawa agad ng "TO DO LIST" at yun. Naging routine ko na ang ganun kapag Biyernes diary, sisimulan ko yung unang kalahati ng mga gawain then linggo ko tatapusin lahat.
Entry # 6
ReplyDeleteMarch 7, 2020
Dear Diary,
Mula kaninang umaga hanggang tanghali, bukod sa kumain ay tumulong ako sa gawaing bahay, gaya nalang ng paglalaba, paglilinis ng bahay na nakagawian na ng aming pamilya. Tuwing sabado lang kasi kami nagsasama-sama, nagkakasabay-sabay sa hapag-kainan. Lahat kasi ay may kaniya-kaniyang gawain, at magkakaiba ng schedule. Masaya ang araw na ito diary, kasi ang sarap ng ulam namin noong tanghalian, tinolang manok na pinartneran pa ng patis na may calamansi at sili, idagdag pa ang nagyeyelong coke, at sasabayan pa ng naguumapaw na kwentuhan ng bawat isa sa amin. Para sakin diary, ang pagkain nang sabay-sabay kasama ang iyong pamilya ay tunay na nakakatanggal stress. Masaya ako diary, kumpleto at masaya kaming pamilya. May konting nakakaasar lang talaga kasi palagi akong target ng mga kapatid kong lalaki sa pambubuyo. At oo diary, puro lalaki ang mga kapatid ko, at lahat sila ay hilig akong buyuin. Masaya at tunay na nakakatanggal ng pagod kapag kasama mo ang iyong pamilya. Ang komunikasyon ay nagiging instrumento upang pagdutingin ang mga araw na hindi kayo nagkakasama. Sa kinahapunan naman ay natulog lang ako at pagkagising ay nanood ng "Dr. Romantic Season 2". Gumagamit din naman ako ng social media kung minsan, hindi madalas dahil ewan hindi ko lang trip, ang madalas ko lang gamitin ay Messenger at Instagram. Ayun lang wala nang iba, takaw sa storage nung ibang apps eh kung hindi ko naman gaanong ginagamit. Yun lang diary, goodnight.
Entry # 7
ReplyDeleteMarch 8, 2020
Dear Diary,
Dahil linggo, may nstp kami. Kagabi ko pa pinagdarasal na sana kagaya nung ibang section ay wala rin kaming pasok kasi sobrang nakakatamad diary. May entrance exam kasi ang mga nagbabalak mag-aral sa RTU, kaya naman wala kaming gagamiting room. At oo, bukod sa sobrang daming estudyante ngayon sa school ay napakainit rin naman talaga. Sa lobby kami nagklase, dahil nga maraming tao, at open ang lobby, hindi rin kami nagkakarinigan. Saglit lang din nagklase si ma'am, mga isang oras lang rin kaya naman nakakalokang talaga. Mas matagal pa hinintay namin kaysa sa pagkaklase niya. Hindi na rin ako nagtagal pa at umuwi na rin ako agad dahil, bitin ang tulog ko dahil 1 am na ko natulog at gumising ako ng 4am. 11:40 am na ako nakauwi, at saktong tanghalian na noong naabutan ko ang aking pamilya, sumabay na ako at mahusay! Dahil ako ang maghuhugas ng mga pinggan. Hanggang dito nalang muna diary, tulog na ako.
Entry # 8
ReplyDeleteMarch 9, 2020
Dear Diary,
Dapat talaga hindi na ko papasok ngayong araw dahil wala naman daw papasok na prof, pero dahil may meeting daw group namin sa Contemporary World, pumasok na rin ako. Laking gulat ko kanina pagkapasok ay sa-sampu lang kami sa room, at wala ang mga kagrupo ko. Galeng! Mabuti nalang at pumasok ang mga kaibigan ko at naglaro nalang kami ng shareyds! Ayun sinali din namin iba naming classmate, sobrang laughtrip talaga, pero mabilis din natapos dahil suspended na raw ang klase dahil sa kumakalat na sakit na kung tawagin ay Novel Corona Virus Disease. Diretso uwi na rin ako dahil nakakaalarma namang talaga at nakakatakot ang dulot ng sakit na NCov. Gaya nang nakasanayan, tayuan ulit sa bus, ang hirap sumakay ngayon dahil nga nag-uwian na lahat, suspended na at maski ata mga manggagawa ay wala na ring mga pasok. Pagkauwing-pagkauwi ko ay naghugas agad ako ng kamay, dahil kung saan-saang bahagi ng bus ako kumapit, mahirap na at baka matyempuhan. Kasalukuyang nagkakagulo sa gc ng block namin, pinag-uusapan kung hanggang bukas lang ba walang pasok o hanggang Biyernes. Habang namomroblema ang lahat sa walang pasok ay namomroblema din ako dahil mukhang makikipagsabayan ang mga prof namin sa pagbibigay ng mga gawain, sa araw ding ito nagbigay ang tatlong prof namin ng mga gawain na talaga namang iisipin ng mga estudyante.
Entry # 9
ReplyDeleteMarch 10, 2020
Dear Diary,
Kahit walang pasok ay maaga pa rin akong nagising, narinig ko kasi ang usapan nila mama at papa, namomroblema sila kung saan kukuha ng pera, wala na kasing pasok hanggang Biyernes. Sa mga ganitong araw, parang gusto kong kontrolin ang mundo, kung saan ang mga mahihirap ay makakaahon sa hirap ng buhay, at ang mga mayayaman ay magiging kapantay ng mga nasa mababang uri. Lahat pantay-pantay, walang mayaman o mahirap, lahat masaya lang at payapa ang buhay. Wala lang diary, kapag ganitong panahon kasi pakiramdam ko ang hirap hirap ng buhay, umaasa lang kami sa pagmamaneho ng pedicab ni mama at si papa naman ay walang permanenteng trabaho, umaasa lang sa tawag - kapag may tawag, may pasok, madalas ay thrice a week, at kung minsan ay anim na beses lang silang may pasok sa loob ng isang buwan. Mahirap na nga ang buhay lalo pang pinahirap dahil sa Ncov na yan kainis! Imbes na nasa paaralan kaming magkakapatid, nag-aaral para makatulong kina mama, heto kami lahat tambay sa bahay. Pinoproblema kung anong kakainin para bukas, san kukuha ng pera. Dagdag mo pa na naputulan kami ng internet noong linggo, nakakatamad lalo hays. Sana bumuti na ang lagay ng Pilipinas, sana bumalik na lahat agad sa dati, habang kakaunti palang ang apektado ng COVID-19 sana maagapan na kaagad. Ang hirap kasi ng buhay diary, mas lalong hihirap kung tatagal pa ang problemang nararanasan natin ngayon.
Entry # 10
ReplyDeleteMarch 11, 2020
Dear Diary,
Dahil sa isang linggong walang pasok, nagbigay ang mga prof namin ng gatambak na gawain, dalawang research, quizzes online at iba pa. Dumami rin ang mga facebook group, group chat at google class. Wala namang problema SANA sa akin ang Online Class Learning dahil naranasan ko na 'yan noong senior high school dahil Blended Learning kung saan 50% online at 50% face to face. Ngalang, wala kaming internet, at problema ngang talaga dahil wala rin akong panload, dahil problemado na nga kung saan kukuha ng pera sina mama, sasabay pa ba naman ako. Pero kahit papano, nagpapasalamat ako sa Gcash dahil mayroon pa akong 150 pesos balance, na namroblema pa ako kung paano ko mabubuksan dahil kailangan din ng internet. Sobra akong nagagalak dahil ang mga app palang katulad ng Gcash ay makakatulong sa akin, at siyempre mabuti nalang ay nagload ako noon sa Gcash kaya ayun may laman. Ang poproblemahin ko nalang ay kung kailan lang ako dapat magload dahil kailangan kong tipirin ang balance ko. Ayun lang diary, i feel blessed kahit papano ay makakasabay pa rin ako sa Online Learning at nagawan ko ng solusyon ang problema ko hehe.
Entry # 11
ReplyDeleteMarch 12, 2020
Dear Diary,
Grabe ang lungkot, naaawa ako kina mama dahil namomroblema sila kung saan kukuha ng pera, kung paano kami makaka-survive sa loob ng isang buwan, at oo diary, isang buwan nang mawawalan ng pasok lahat. Paano? Paano na? Kung kami ngang sakto lang sa buhay ay namomroblema, paano pa kaya yung mga nasa mas mababang estado ng buhay? Grabe, problema talaga itong Covid. Nakakasuyang magkikilos ngayon diary, dahil ang iinit ng mga ulo ng mga tao dito sa bahay, naiintindihan ko naman sila, dahil maski ako rin naman ay namomroblema sa mga nangyayari sa Pilipinas. Gayunpaman, naniniwala ako na pagsubok lamang ito ng Poong Maykapal, ang pananampalataya natin sa kaniya na patuloy na manunubalik sa ganitong uri ng problema, kung kaya't naniniwala ako na ang kapangyarihan ng pagdarasal lamang ang sagot sa lahat.
Entry # 12
ReplyDeleteMarch 13, 2020
Dear Diary,
I thanked God kasi kahit papano ay may nakakain kami sa araw-araw, at kahit papano nakakasabay pa kami sa takbo ng buhay. Apat na beses pa rin kaming nakakakain (almusal, tanghalian, meryenda at hapunan) nakakatuwa lang diary, kasi patuloy ang kabutihan sa puso ng mga tao. Kanina kaya kami may pambili ng makakakain ay sinwelduhan si mama ng may-ari ng karinderyang pinaghuhugasan niya. Yung perang yun ay sa tingin ko naman ay makaka-abot nang isang linggo. Nakabili rin si mama ng mga biscuit, mga delata, mga kape, gamit sa banyo, mga gamot, vitamins at saka mga uulamin sa mga susunod pang araw, para hindi ka lalabas nang lalabas si papa. Dagdag pa dun diary, itinigil muna pansamantala ang Online Class - yung mga quizzes at reporting,ipagpapatuloy na lamang daw sa susunod na linggo. Gayunpaman, ang mga gawain namin ay patuloy pa rin ngunit ang lahat ng deadline ay sa pagbabalik pa ng klase.
Entry # 13
ReplyDeleteMarch 14, 2020
Dear Diary,
Ang mga ginawa ko ngayong araw ay schoolworks; natapos ko ang sanaysay na patungkol sa Sining at Agham, yung PowerPoint at document ng "Prank", at saka ang pag-a-update ng aking blogspot na mukhang nilalangaw na sa tagal kong buksan. Kahit papano ay pakiramdam ko ay gumaan ang aking mga gawain, dahil nabawasan din kahit papano. Namimiss ko nang pumasok, namimiss ko nang bumyahe, lumabas ng bahay, suotin yung uniform ko, makahawak ng baon, at syempre namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Iniisip ko nga kung anu-anong mangyayari pagkatapos nitong quarantine, sa isip-isip ko, hindi lang naman negatibo ang magiging epekto nitong lockdown, kasi kahit papano, ito ang pagkakataon nating makasama ang ating mga pamilya, makapagpahinga, subalit yun talagang kabuhayan ng ibang taong araw-araw kung kumayod, paano sila? Saan sila kukuha ng perang ipambibili nila ng pagkain para sa pamilya nila, yung mga magtatapos ng pag-aaral, imbes na nakapokus lamang sila sa kanilang ojt, thesis, o kung ano pa mang requirements ay ihihinto na muna nila dahil nga walang pasok at bawal lumabas ng tahanan, at marami pang iba. Kaya sana, hinihiling ko na ang mga may kakayahang tumulong, yung mga taong may pera, nawa ay tulungan nila ang mga salat sa pera, kasi sa panahon ngayon, pagtutulungan nalang talaga ang susi para sa problemang ito.
Entry # 14
ReplyDeleteMarch 15, 2020
Dear Diary,
Badtrio itong araw na'to, kaninang umaga pa ako nagvideo ng exercises sa PE, okay na eh isesend ko nalang talaga, ang kaso dahil nga video yun, matagal maisesend o maipopost. Nagpaload ako ng 50php para maisend yun kasi kinabukasan ay deadline na. Inabot ako nang siyam-siyambsa pag-aantay na masesend, pero bigla lang nagloko, ending hindi naisend. Sinubukan kong isave sa google drive, isend thru gmail, messenger, ipost sa facebook at maski sa Youtube ay sinubukan ko na rin. Pero ayaw talaga niyang masend, sobrang naiinis na talaga ako, dahil baka mamaya hindi ko pa masend. Sa Edmodo kasi isesend, ang Edmodo ay isang online classroom application. So ayun, badtrip talaga, paubos na ang load ko dahil kung anu-anong app na ang pinaggamitan ko. Bandang 10pm ay sinubukan ko na talaga ang Youtube, dun ko pinost, kinopya ko nalang ang link at sinend ko sa prof namin. Ayun video ng exercises lang naman at pagsesend ang ginawa ko ngayong araw pero pakiramdam ko ay dami-dami kong ginawa. Nakakastress, kasi akala ko hindi pa ako makakaabot sa deadline. Naubos rin ang load ko.
Entry # 15
ReplyDeleteMarch 16, 2020
Dear Diary,
Nagsimula na ang video reporting sa Varayti at Baryasyon ng Wika at sa Contemporary World. Salamat sa dati kong classmate na nautangan ko ng load at ayun napanood ko ang mga report ng aking mga kaklase. May quiz pa kami sa varayti. Sa kabilang banda, sobrang nasiyahan ako sa isang online game na kung tawagin ay "Buddy Meter", gagawa ka ng mga tanong at choices tapos ay isesend mo ang link sa mga kaibigan mo para sagutan. Tawang-tawa ako dahil puro laughtrip lang ang mga ginawa kong choices, lahat ay tama pero mayroong pinakatumpak na sagot, kumbaga ay pampalito lang. Ang nakakuha ng pinakamataas na score ay si Miles, 5/10. Ayun lang diary.
Entry # 16
ReplyDeleteMarch 17, 2020
Dear Diary,
As usual, tuloy ang Online Classes. Nagsulat rin ako ng mga talakay sa Panimulang Linggwistika. Bukod pa ron ay nanood ako ng KDrama na pinamagatang Doctor John. Sobrang angas ng istorya, grabe! Si Dr. John kasi ay isang anesthesiologist, kung saan sila ang bahala kung paano nila kokontrolin ang sakit na nararamdaman ng isang pasyente. Ang twist ng istorya ay may Fabry Disease si Dr. John kung saan siya mismo ay walang kahit anong pakiramdam - hindi siya nakakaramdam ng sakit, kahit saksakin mo siya, hindi niya nararamdaman. Hindi rin niya nararamdaman o nalalasahan ang malamig at mainit. At ang pinakamalala pa ron ay dahil nga wala siyang pakiramdam, hindi niya alam kung may sakit na ba siya o wala. Sobrang nagustuhan ko itong Kdrama na'to, dahil sobrang nakakatalino, ang dami mong matutunan na mga rare na mga diseases, at marami pang iba. Mahilig talaga ako sa mga Medical na genre na mga palabas kung kaya't nakakatuwang mapanood ang isang ito. Pangatlo si Doctor John sa mga hinahangaan kong mga doctor sa larangan ng Kdrama.
Entry # 17
ReplyDeleteMarch 18, 2020
Dear Diary,
Natapos ko nang panoorin ang Doctor John, kung kaya't nagbasa naman ako ng nobela sa Wattpad na pinamagatang "I love you, Ara". Nacurious lang ako sa title at cover ng libro, parang ang creepy. Umpisa palang kagulat-gulat na, yung inakala kong nakakakilig na istorya ay nakakatakot pala. Unang kabanata palang ay may bangkay na. Maikli lang ang nobelang ito kumpara sa mga nababasa kong umaabot ng 95 na kabanata, kaya naman natapos ko din agad basahin. Nakakatakot talaga, istorya ng mga may sapak sa utak. Nakakatakot ngang talaga pero ang angas ng mga twist, iisipin mo kung sino ba talaga ang pumapatay, patay na ba talaga si Ara ganon. Sa kabilang banda, ayos naman ang araw na ito, bukod sa panonood at pagbabasa ng Wattpad ay ayos ang buhay namin, nakakakain kami. Natututong magtipid sa mga pagkain, at patuloy na kinakaya ang hirap ng buhay. Masaya rin dahil magkakasama kaming pamilyang kinakaharap ang ganitong uri ng pagsubok.
Entry # 18
ReplyDeleteMarch 19, 2020
Dear Diary,
Wala ng quizzes na magaganap ngunit ang reporting o talakayan at mga pagbibigay ng mga gawain ay patuloy pa rin. Kahit papano ay nakabawas sa isipin, subalit nagbigay na rin ng mga gawain ang ilan pang mga prof, nabawasan saglit pagkatapos ay nadagdagan naman ang mga gagawin. Gayunpaman, ngayong araw ay nagpahinga lamang ako. Pahinga sa panonood, pagbabasa at pag-aaral, natulog lamang ako maghapon. Gumigising lamang ako para kumain pagkatapos ay magpapahinga saglit at babalik na sa pagtulog. Kahit papano ay pakiramdam ko ay ito ang bawi ko sa mga panahong pumapasok akong kulang sa tulog o hindi kaya'y walang tulog. Nakakatuwa lang rin na nakita ko ang pagkakataong ito bilang panahon para makapagpahinga kahit papano.
Entry # 19
ReplyDeleteMarch 20, 2020
Dear Diary,
Pasahan ng ilang mga gawain, thankfully tapos ko na ang mga yun at ipapasa nalang. Natulog lang ulit ako maghapon dahil wala namang internet at para kahit papano ay hindi makaramdam nang gutom. Bandang 5pm na ko nagkaroon ng internet, para ipasa ang mga natapos kong gawain. Usual day lang naman ito, bukod sa pagtulog ay nanonood rin kami ng mga pelikula sa Cinemaone. Nababaliw na ko dito sa bahay, wala na ngang internet, wala pang mapagkaabalahan. Gusto ko nang bumalik lahat sa dati, gusto ko nang matapos itong lockdown. Gusto ko nang mag-aral sa paaralan. Hindi ako komportableng mag-aral sa bahay, nakakatukso lang matulog at tamarin. Ayun lang diary.
Entry # 20
ReplyDeleteMarch 21, 2020
Dear Diary,
Dahil sabado ngayon, nagpaload ako. Sinimulan kong gawin ang ilang mga schoolworks ko para kahit papano ay mabawasan ulit. Nakatapos naman ako ng tatlong gawain at sinend ko na rin agad. Pagkatapos ay inilaan ko ang natitira kong load para sa Wattpad. Hindi na kasi libre magbasa offline, kailangan na ng internet at mayroon pa itong advertisements matapos ang dalawang kabanata. Binasa ko ulit ang I love you since 1892. Isa ito sa pinakapaborito kong nobela, bukod sa nakakakilig na istorya, nakakatalino rin. Para sakin ay hindi ito ordinaryong kwento, tumutukoy kasi ito sa isang babae sa taong 2016 na napunta sa taong 1891 upang isakatuparan ang misyon niyang panatilihing buhay ang bidang lalaki na siya namang minahal niya. Panahon iyon ng himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-abusong mga Espanyol. Nagbigay aral din itong I love you since 1892 para sa akin na bigyang-importansya ang kasaysayan ng Pilipinas at pahalagahan lahat ng bagay na mayroon tayo sa kasalukuyan. Ang dami kong natutunan, bukod sa pagpapahalaga ng kasaysayan, natutunan ko rin ang importansya ng komunikasyon noon kung saan wala pang teknolohiya at mas makikita ang sinseridad ng taong kausap mo nang harapan. Nariyan rin ang importansya ng teknolohiya, noon ay wala pang ilaw kung saan ay tanging gasera lamang ang ginagamit upang magkaroon ng liwanag at marami pang iba. Ngunit nagtapos ang istorya nito nang masakit sa dibdib, dahil hindi nagkatuluyan ang dalawang bida. Gayunpaman, nagtagumpay ang bidang babae na panatilihing buhay ang bidang lalaki. Nakabalik siya sa taong 2016 at naiwan niya naman ang taong mahal niya. Mabilis ko lang rin natapos basahin ito kahit pa binubuo ito ng 45 na kabanata. Ayun lamang diary, goodnight.
Entry # 21
ReplyDeleteMarch 22, 2020
Dear Diary,
Hindi ko alam kung paano diary, pero mayroon na ulit kaming internet. Kung hindi mo naitatanong diary, caretaker si mama ng dalawang paupahan, isa rito sa Makati at isa rin sa Pasay, kaya naman mabuti at binigyan si mama ng kaniyang amo ng sweldo na makakatulong nang lubos sa amin sa mga susunod pang araw. Nakapagbayad kami ng internet, itinawag nalang ni kuya sa Skycable. Nakakatuwa diary, dahil kahit papano ay maiibsan na ang pagkabagot ko sa aming bahay. Siyempre ang unang-una akong ginawa ay nagdownload ng mga kdrama (Itaewon Class, Crash Landing on You). Bukod pa ron ay bumili si mama ng mga stocks, para sa mga susunod pang araw. Nakakatuwa diary, dahil ang dating puro tubig na laman ng aming ref ay mayroon ng mga ulam, yakult, mga mamon, itlog at marami pang iba. Kaya ayun, nagpapasalamat ulit ako sa Poong Maykapal dahil hindi niya kami pinapabayaan.
Entry # 22
ReplyDeleteMarch 23, 2020
Dear Diary,
Nakatapos ako ng ilang gawain at ang ilan ay sinend ko na agad sa google classroom. Ngayong araw pinost ni Sir Bosque ang aming Pinal na Gawain sa kaniyang subject. Gumawa na agad ako ng group chat ng aking mga kagrupo. Nakakatuwa lang dahil ang dalawa sa mga nakagrupo ko ay mga nakagrupo ko na noon at alam kong masisipag. Gumawa rin ulit ako ng 'To Do Lists' na gagawin ko sa susunod na linggo.
Ngayong araw, bukod sa school work ay nagbasa lang ako ng Wattpad, He's into her ang pamagat. Nabasa ko na ito noon, pero binabasa ko ulit dahil ito ang pinakapaborito kong nobela. Hanggang Season 3 ito at talaga namang mahaba ang kwento. Kulang ang isang araw, dalawa o tatlong araw para matapos mo ang nobelang ito. Napakaangas, nakakakilig at nakakaiyak ito. Sa tingin ng iba ay common ang takbo ng istorya na ito kung saan ang bidang lalaki ay mahilig mambuyo at isa sa nabuyo niya ay ang bidang babae na siya namang nakuha ang loob niya. Season 1 palang ako kung kaya't matagal-tagal rin at sa palagay ko ay aabot pa nang isang linggo ang pagbabasa ko ng buong nobela. Gayunpaman, napapawi ang aking nakakabagot na pamamalagi sa loob ng bahay.
Entry # 23
ReplyDeleteMarch 24, 2020
Dear Diary,
Hindi ko talaga gusto ang ideyang gigising nang maaga para magpa-araw. Ewan ko ba diary, pakiramdam ko kulang na kulang ang tulog ko kapag ginigising kami nang maaga, vitamins daw yun at aware naman ako dun. Hindi ko lang talaga trip ang isang yun, sumasakit kasi ulo kapag ginigising ako nang maaga gayong wala namang pasok. Bukod pa ron diary, as usual nanood ng mga video reporting ng mga classmate ko, mayroon na din written report kung hindi naman talaga makakapagvideo. Kahit papano ay natuwa ako dun dahil isa talaga ako sa mga hindi makakapagvideo nang maayos dahil mayroon kaming kasa-kasama sa bahay, which is my lolo, na laging nakaradyo, at kung magradyo ay napakalakas ng volume. Mahina kasi ang kaniyang pandinig at kapag sinubukan mo namang sabihan na hinaan niya, hayun magagalit pa. Kaya natuwa talaga ako na may written report nang magaganap, At tsaka may madaling magpaliwanag kapag nakasulat, ewan ko ba ayun ang trip ko hahahhahahaha yun lang diary, wala naman na akong masyadong ginawa bukod don dahil panay lang ang tulog ko.
Entry # 24
ReplyDeleteMarch 25, 2020
Dear Diary,
Ginawa ko na kaagad ang written report ko sa Varayti at Baryasyon ng Wika na sa March 30 pa naman ipapasa, bukod pa ron, sinimulan ko nang gawin yung dalawang Personal na Sanaysay at sinagutan ko na rin ang pagsasanay na pinapasagutan ni Sir Mortera. Nakakatuwa lang diary, dahil ang productive ng araw ko ngayon, bagaman hindi ko pa naman talaga sinisimulan gawin yung mga mabibigat na gawain gaya nalang ng Summary ng lesson sa ProfEd mula Chapter 4 hanggang Chapter 8. Syempre kailangan ko munang basahin yun bago ko ma-summarize, ang isang kabanata pa naman ng ebook dun sa ProfEd ay pinakakaunti na ang sampung pahina, ang liliit pa ng sulat. Grabe ang tamad ko ba? hahahahhaa Nariyan din yung dalawang Reaction Paper sa Science, Technology and Society at syempre ang dalawang Research sa magkaibang subject. Ika-25 na ng Marso ngayon, pero yung mga madadaling gawin palang ang natatapos ko. Grabe talaga ang katamaran ko diary, kinakabahan ako baka ako nalang talaga ang hindi pa nakapagsisimula sa mga gawain. Send help diary.
Entry # 25
ReplyDeleteMarch 26, 2020
Dear Diary,
Ginawa ko ang assignment sa PE, bukod dun ay nagbasa lang ako ng Wattpad. Tantei High ang binasa ko, tungkol ito sa Sixth Sense ng mga piling tao. Nabasa ko na ito noon, pero binasa ko lang ulit dahil namiss ko, napakaganda ng istorya nito, hindi lang tungkol sa abilidad, nariyan din yung pagkakaibigan, pamilya at pagsolb ng mga cases. Nakakatalino itong istorya nito dahil may ilang mga logic questions dun na pinapasagot, at tila may kakayahan itong pakilusin ka at magsagot din. Nariyan din yung kaabang-abang na mga cases, pakiramdam ko isa akong detective, at ayun yung habang tumatagal lumalakas yung abilidad ng Sixth sense. Sobrang nakakatuwa talaga diary, mala-anime ang ganitong uri ng kwento para sakin, nanonood din kasi ako ng anime. Ang dami kong hilig pansin mo diary? Bukod sa pagbabasa, nahilig rin ako sa panonood ng Anime at mga Kdrama at Cdrama. Sa pagbabasa naman, nagsimula ako sa Ebook noong Grade 6 ako, naalala ko pa noon Bluetooth lang ang kailangan, mayroon ka ng panibagong babasahin. Nakakamiss pero ayos na rin. Kapag nagbabasa kasi ako diary, pakiramdam ko may sarili akong mundo, isipin mo yun binabasa mo lang naman, pero para sakin pakiwari mo ay mga virtual images na nagpa-flash sa harap mo, ganun diary. Pakiramdam ko nga ay lumalawak ang imahinasyon ko kapag nagbabasa ako. Bukod pa ron diary, naalala ko rin na nagbabasa ako ng mga Precious Hearts Romances na pocket books, isa kasing manunulat yung pinsan ko dun at talagang nakakakilig ang mga istorya dun. Sa panonood naman diary, makikita mo talaga ang kaibahan sa pagbabasa, dahil dun ay napapanood mo talaga may mga mukha ang mga characters, may lugar at marami pang iba. Nakakatuwa lang din dahil sobrang nakakakilig. Pero pagbabasa pa rin kung ako'y papipiliin hahahahahaha
Entry # 26
ReplyDeleteMarch 27, 2020
Dear Diary,
Nag-update ako ng talaarawan sa aking Blogspot. Hindi ko kasi agad pinopost dahil iniipon ko muna sa aking Notepad. Bukod pa ron ay nagsimula na akong magbasa sa Science, Technology and Society para makagawa na ako ng Reaction Paper. Ayun palang nagagawa ko pero pakiramdam ko ay kaunti nalang, nakakabaliw ang pagiging tamad na kagaya ko. Ang hilig kong gumawa ng To Do List, pero hindi ko naman natatapos sa mismong araw na dapat natapos ko. Ugali ko na yung ganun diary, kapag alam ko kasing matagal pa ang deadline ay hindi pa ko nakilos, puro ako plano then ayun tulala na ulit. Nakakatamad yung ganitong set-up diary, sa bahay ka lang. Eh, ang bahay namin ngayon ay magulo, namomoblema sa mga bayarin, saan kukuha ng makakain ganon, ang hirap mag-isip gayong sa bahay palang namin ay ang dami mo nang iniisip. Gayunpaman, kahit mahirap ay kailangan kong tapusin lahat ng gawain, responsibilidad ko iyon bilang mag-aaral na magpatuloy sa pag-aaral.
Entry # 27
ReplyDeleteMarch 28, 2020
Dear Diary,
Ngayong araw ay nagcompile ako ng mga written report ng aming grupo at pagkatapos ay pinost ko na rin. Inihinto na kasi ang aming Online Class Learning, kung kayat tinapos na agad namin ang ilang gawain sa Online Class. Ngayong araw ay natapos kong gawin ang Reaction Paper sa Science, Technology and Society at ang Liham para sa Kabataan ng 2070. Nakakatuwa lang dahil ayun may natapos na naman ako, at kahit papano ay nabawasan ang aking natambakang gawain. Sobrang nakakamiss na talagang pumasok sa paaralan diary, miss na miss ko na ang RTU, mga classmates ko, mga teacher at syempre yung pakikinig ng talakay sa loob ng klase. Gusto ko na ring pumasok talaga, at bumalik ang lahat sa dati. Kasi habang tumatagal pa itong nangyayari sa bansa ay bumabagsak ang ekonomiya. Magiging tuta na naman tayo ng ibang bansa, hindi ko sinasabi ng China ah pero parang ganun na nga. Kawawa ang mga Pilipino kung ganon. Kami nga dito sa aming barangay ay wala pang nakukuhang tulong mula sa aming Mayor at maski ng mga opisyales dito sa aming barangay. Tangung mga mabubuti at may pera naming kabarangay lang ang nagbibigay ng tulong. Nariyan din ang tulong mula sa mga simbahan at kahit papano ay nakakatulong din sa amin talaga.
Entry # 28
ReplyDeleteMarch 29, 2020
Dear Diary,
Ang saya ng araw na ito diary, pakiramdam ko ay hinahaplos ang puso ko. Mayroon kasi kaming kapit-bahay na nagrerent lang, naiwan siya ng mga kasamahan niya at tangung siya lang ang naiwan. Grabe, tulong-tulong kaming magkakapitbahay na magbigay sa kaniya ng kaniya makakain. Mayroong nagbigay ng bigas, mayroon ding delata, pancit canton at kami naman ay nagbigay ng ulam. Nariyan din ang pagpapahiram sa kaniya ng kalan. Nakakatuwa lang diary, kasi gising ang diwang makatao sa panahong ito. Ang sarap sa puso, kapag nakakatulong sa kapwa ewan ko lang sa mga kurakot ng bayan. Aguy! Ayun lang diary, masaya ako dahil nakatunghay ako nang pagtulong sa kapwa.
Entry # 29
ReplyDeleteMarch 30, 2020
Dear Diary,
Akala ko huling araw na ng buwan, may 31 pa pala. Ngapala diary, ngayong araw ay nanood lamang kami ng mga pelikula ni FPJ, kasama ko ang aking pamilya. Habang pinapanood ko si FPJ, naalala ko ang aking namayapang lolo. May mga pagkakataon kasing pareho sila ng paraan ng pagsasalita, ng kilos at dagdag mo pa ang isang palabaa doon na taxi driver si FPJ at lapitin ng mga chix. Nakakatuwa lang diary, namiss ko tuloy ang aking lolo. Napakabait kasi nun, kapag pupuntahan namin siyang magkakapatid, papa-cute lang kami at pagkatapos ay may pera na kami. Sobrang bait niya diary, wala na kong masabi. Noong burol niya nga ay hindi maubos-ubos ang kaniyang mga bisita, labis ang pagluluksa sa pagkamatay niya dahil napakabuti niyang kaibigan at lolo. Lolo ang tawag sa kaniya ng lahat ng mga bata, kamag-anak niya man o hindi dahil sobra siyang mapagbigay, inakala na ng iba ay lolo nila siya. Sa kabilang banda, bukod sa panonood ng mga pelikula, natutuwa rin ako dahil kahit papano ay may nakakain kami sa araw-araw. Gayunpaman, nakakalungkot na hindi na nabawasan ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid, bagkus ay nadagdagan pa. Sana talaga ay bumuti na ang lagay ng Pilipinas.
Entry # 30
ReplyDeleteMarch 31, 2020
Dear Diary,
Ngayong araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng Wattpad. Sumali rin ako sa ilang mga grouo sa Facebook na may kinalaman sa Wattpad at mga fansclub ng isang istorya. Ewan ko ba diary, sobrang hilig kong sumali sa mga group sa facebook at maski sa Twitter at Instagram ganun din ang ginagawa ko. Nakakakilala kasi ako ng iba't ibang uri ng mga fangirl o fanboy. Bukod pa ron ay nagkakaroon ako ng mga kaibigan. Nakakatuwa lang din ang ganung uri ng paraan dahil kahit papano ay nagkakaroon ako ng mga kakilalang kapareho ko ng mga hilig. Sa kabilang banda diary, maayos na lumipas ang araw na ito, dahil masaya ako dahil kahit papano ay malulusog kaming pamilya at wala kaming sintomas ng Covid. Gayunpaman, nakakaalarma pa rin talaga ang lagay ng aming barangay, dahil bukod sa nagaganap na lockdown at quarantine ay wala pa rin kaming nakukuhang tulong mula sa mga opisyales ng aming lungsod. Ngunit, mayroon ding mabubuting loob ang patuloy na nagpapa-abot ng tulong sa aming barangay. Sana lamang ay gumawa na ng aksyon ang mga namumuno dahil hindi magiging mabuti ang kahahantungan ng kanilang pagpapahinga.
Entry # 31
ReplyDeleteApril 1, 2020
Dear Diary,
Ilang araw at linggo ang lumipas, ika-unang araw ng Abril ngayon, nakakapagtaka lamang na wala pa rin kaming nakukuhang tulong mula sa punong alkalde ng aming lungsod. May bali-balita ngang, nagseld-quarantine raw ang mayor at ang mga konsehal dahil nagkaroon daw sila ng contact sa isang DOH personnel na nagpositibo sa Covid. Ngunit, ewan ko ba at may parte sa aking isipan na hindi naniniwala, at sa palagay ko ay palusot lamang nila yun upang hindi sila matahin ng mga mamamayan ng lungsod. Nakakasuya ang ganoong klase ng opisyales kung totoo mang gumagawa lang sila ng pakusot upang pagtakpan ang kanilang pagka-iresponsable. Gayunpaman, nakakatuwang isipin na mayroon at mayroon pa ding mga may busilak na puso na nagbibigay ng tulong sa amin. Ilan sa mga yun ay ang sikat na lugawan sa aming barangay, nagbibigay sila tuwing umaga ng libreng lugaw sa bawat isa. Nakakatuwa dahil sa simpleng tulong na iyon ay maraming tiyan na ang nainitan at nabusog. Kaya naman nakakatuwa at nakakagaan nang loob. Sana ay pagpalain ang mga tulad nila ng Diyos ama at bumuti na ang lagay ng buong mundo.
Entry # 32
ReplyDeleteApril 2, 2020
Dear Diary,
It's 12:46 am, kasalukuyan akong tambay sa twitter at nagbabasa ng balita. Nakakagalit!!! Nakakatakot!!! Natatakot ako sa mga nangyayari sa bansa natin, natatakot ako sa gobyerno, natatakot ako. Pakiramdam ko ay sobrang kawang kawawa ang Pilipinas. Hindi pa tapos ang problema sa Covid-19, dumagdag pa ang mapang-abusong namumuno sa bansa. Nakakagalit nang sobra!!! Pakiramdam ko ay wala kaming magagawa, kaming mga pilipino. Pakiramdam ko ay nangyayari sa kasalukuyan ang mga nabasa kong pangyayari noong panahon ng kastila, kung saan alipin tayong mga pilipino sa sarili nating bansa. Nakakalungkot at labis na nakakagalit diary, sana matapos na ang lahat ng ito. Sana lang talaga.
Nagpatuloy pa ang ingay sa mga social media sites, at nagkaroon na rin ng pagtatalo na sinasabing nakikisali lamang ang ilang mga sikat na mga personalidad gaya ng mga vlogger at mga artista na kesyo nagmamarunong lamang daw at hinanapan pa umano ng ambag sa lipunan.
Kasalukuyang maggagabi na diary, maayos namang lumipas ang araw na ito. Kanina ay may kapit-bahay kaming namigay ng milktea, mayroon kasi silang milktea shop. Hindi rin naman sila nakakapagbukas kaya ayun gumawa nalang sila at pinamigay. Nakakatuwa lang dahil ang tagal na nung huli akong nakainom ng milktea. Ayun lang diary, wala naman ako masyadong ginawa dahil natulog lang ako.
Entry # 33
ReplyDeleteApril 3, 2020
Dear Diary,
Lumipas ang araw na ito na wala akong natapos na schoolworks. Nagbasa lang ako ng wattpad. Tinatamad akong kumilos eh. Nagpagawa nalang kasi ang mga prof namin ng mga gawain na ipapasa sa pagbabalik ng klase. Alam kong tamad talaga ako hahahaha aware ako dun, nakakatamad talaga diary as in! Ngayong araw din ay pinaasa kami dito sa aming barangay, sinabi kasing bibigyan ng relief goods ang mga mamamayan dito. Isang upuan kad isang blue ID ang ipipila. Umabot na ng alas-otso ng gabi pero hindi pa rin nagsisimulang magbigay sa aming kanto, kaya naman sinita na kami ng mga pulis at pinauwi ang mga tao sa kaniya-kaniyang bahay. Bawal na ang tao nang ganong oras. Naglalabasan kasi ang mga tao dito samin kapag narinig nilang may magbibigay ng relief goods. Labis ang excitement namin nung malaman namin na may matatanggap na kaming tulong mula sa mayor, pero ayun hindi naman natuloy dahil gabi na. Nakakasuya lang, itutuloy nalang daw kinabukasan.
Entry # 34
ReplyDeleteApril 4, 2020
Dear Diary,
Bukod sa pagkain, pagtulog at pagbabasa ng Wattpad, wala na kong ibang ginawa. Kapag maliligo ako ay sa gabi. Ngayong araw ay pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng ulo ko. Bahing din ako nang bahing. Kinakabahan ako dahil baka magkasakit ako, worst ay baka ma-NCOV pa. Hindi na nga ako nalabas ng bahay, magkakasakit pa ba naman ako? Kaya yun diary, alalang-alala sa akin si mama, panay sermon na dapat daw kasi ay nagpapaaraw ako sa umaga at hindi nagpupuyat. Akala ko nga ay sisisihin na naman niya ang cellphone kaya masama ang pakiramdam ko. Pero ayun, natakot din ako diary, dahil totoong hindi nila ako maaalagaan kung posible ngang magkasakit ako. Nakakatakot naman kasing dapuan ng sakit tulad ng sipon o ubo sa panahon ngayon, dahil aakalain na agad nilang posible kang magkaroon ng NCOV dahil nga naman isa yun sa mga sintomas nun. Gayunpaman, pahinga at masusustansyang pagkain ang mga kinakain namin plus nagbibitamina rin ako kaya naman kahit papano ay tiwala akong hindi ako magkakaroon ng Covid dahil isang tao lang naman ang nakakalabas sa aming tahanan, bukod sa kaniya ay wala na. Lahat kami ay hindi na nakakalabas ng bahay. Iniisip ko nga ay ano kaya ang itsura ng labas. Nakalimutan ko na nga ata. Kapag naman kasi magpapaaraw kami ay dun lamang kami sa aming bintana kung saan tapat na tapat sa sinag ng araw. Nawa ay umayos na ang kalagayan hindi lang buong Pilipinas bagkus ng buong mundo. NCOV chupi chupi!
Entry # 35
ReplyDeleteApril 5, 2020
Dear Diary,
Umayos naman na ang pakiramdam ko, pero nandun pa rin yung takot. Pero parang okay naman na, tsaka ngayong araw, binalitang may apat na nagpositibo sa aming barangay, kaya naman wala na talagang nagtatangka pang lumabas sa amin. Sa kabila ng pananatili sa bahay, ayos naman ang araw na ito, sama-sama kaming nanood ng mga vlog ni CongTV, tawa lang kami nang tawa. Bukod pa ron, gumawa ako ng one week meal plan. Pagkatapos ay natulog ako. Hindi ko alam diary, kung paanong tinitigyawat pa rin ako kahit na hindi naman na ako nagpupuyat at naghihilamos naman ako. Dati-rati ay sa noo lang at ilong lang ako tinitigyawat pero ngayon ay umabot na hanggang sa pisngi at talaga namang nakakabahala. Nakakababa ng self-confidence ang mga tigyawat para sa akin. Noon kasi ay sobrang kinis ng mukha ko, ang ilan sa mga kaklase at kaibigan ko ay naiinggit pa nga sakin dahil daw kahit magpulbo ako ay hindi ako tinitigyawat pero ngayon ay pakiramdam ko ayoko nang humarap sa kahit kanino dahil nahihiya ako. Hindi ako sanay na ganito na ang itsura ko, hindi na nga ako maganda, tinadtad pa ako ng tigyawat. Kaya kung magkakaroon man ako ng pagkakataon na kuminis ulit ang mukha ko ay hinding-hindi ko na ulit hahayaang dapuan pa ng tigyawat.
Entry # 36
ReplyDeleteApril 6, 2020
Dear Diary,
Ngayong araw ay natapos ko nang gawin ang gawain para sa Sanaysay at Talumpati, tanging ang talaarawan nalang ang kulang. Ngayong araw dahil nga tinapos ko ang gawain na iyon ay hindi ako nakapagwattpad o kung ano pa man. Naging masaya naman ang araw na ito sapagkat patuloy pa rin ang pagdating ng biyaya sa aming tahanan. Kanina kasi ay may nag-abot ng tulong sa amin, dalawang kilong bigas at ilang mga delata na tiyak na makakatulong sa amin sa mga susunod pang araw. Ngayong araw din ay nagluto si mama ng carbonara na matagal-tagal na rin nung huling kain namin nito. Bukod pa ron masaya ako dahil nakatapos ako ng gawain, palagay ko ay may oras na ulit ako para makapagbasa ng wattpad. Nagpapasalamat din ako sa mga nagbibigay ng tulong sa amin diary, nakakatuwa lang talaga, kaya nais ko rin kapag nakaangat ako kahit papano sa buhay ay tutulong rin ako sa kapwa.
Entry # 37
ReplyDeleteApril 7, 2020
Dear Diary,
Naiinis ako sa mga taong labis kung magreklamo at magdemand sa gobyerno ng tulong eh sila mismo hindi tinutulungan ang sarili nila. Ngayong araw kasi diary, may isa kaming kamag-anak na grabe kung makapagrant sa social media ng tulong mula sa gobyerno eh mga tamad naman sila, pati panggatas at diaper ng anak nila naging kasalanan ng gobyerno, anong malay ng gobyerno sa problemang pamilya nila diba? Dahil nga kamag-anak ko sila, kilala ko sila, mga taong palaasa pa rin sa ibang tao, may sarili ng pamilya umaasa pa sa kita ng magulang at mga kapatid. Mga hindi nagbabanat ng buto, at kapag nakahawak naman ng pera akala mo milyonaryo imbes na unahin ang mga kailangan sa bahay, hala sige sa panlilibre ng kung sinu-sino. Nakakainis diba? Sila ang mga tinutukoy ko diary, yung mga taong hindi pa man dumating ang krisis na "Novel Corona Virus" ay tatamad-tamad na talaga, sila yung walang karapatang magreklamo sa gobyerno ng kung anu-ano kasi in the first place, kasalanan na talaga nila yun.
Entry # 38
ReplyDeleteApril 8, 2020
Dear Diary,
Nasanay na naman akong magpuyat at tanghali na rin ako kung gumising. Ngayong araw ay may nagbasa ako ng isang nobela sa wattpad tungkol ito sa isang babaeng isip-bata, slowpoke at tatanga-tanga na nakapangasawa ng isang mafia boss. Sobrang solid ng story na'to dahil sobrang daming action scenes, na siya namang paboritong paborito ko. Gaya nga nung kwento ko nung nakaraan diary, sobrang naiimagine ko talaga lahat ng binabasa ko kaya ayan. Kaya ayun naghahanap-hanap rin ako ng mga movies na more on barilan, bugbugan kasi ang angas talaga. Noong nakaraang araw nga diary napanaginipan ko ang sarili kong napakagaling makipaglaban at humawak ng mga deadly weapon. Sa panaginip ko na yun ang lakas lakas ko raw at sobrang tapang, na kahit siguronisang barangay ang kalabanin ko ay kakayanin ko. Ang angas hahahaha sana ganun nga ko in real life kaso napakaimposible. Pero i hope so hahahaha in the future ganun ako katapang at kalakas.
Entry # 39
ReplyDeleteApril 9, 2020
Dear Diary,
Mayroon kaming kapit-bahay na lihim na nagpaabot ng tulong. Nagbigay siya ng pera kay mama para pambili ng mga relief goods at si mama na ang bahala kung paano niya ba-budgetin yun. Kung 'di mo naitatanong diary, presidente si mama sa aming kanto, kaya kung may mga pagpupulong tungkol sa mga problema sa aming kanto ay siya ang mamumuno. Bukod pa ron, nakakatuwa talaga ang mga taong tulad ng kapit-bahay naming nagpaabot ng tulong lalo pa yung ginawa niyang lihim na pagtulong. Yung mga kagaya niyang hindi na kailangan magpa-impress na may kakayahan kang makatulong para alam mo sa sarili mong nakatulong ka, ayun lang ang mahalaga. Hindi lahat ng may busilak ang puso ay makikita sa mga taong palasimba, madalas sila rin yung mga ordinaryong tao na hindi man linggo-linggo kung magsimba, nasa puso naman nila ang pagtulong sa kapwa. Ayun lang diary.
Entry # 40
ReplyDeleteApril 10, 2020
Dear Diary,
Biyernes Santo ngayon, kaya naman maaga kaming nagsiligo dahil may paniniwala kami na hanggang alas tres lamang maaaring maligo dahil wala na raw ang Panginoon. Hindi ko naman alam mula pa noong bata ako kung ano bang misteryo kapag naligo ka kapag alas tres ng hapon onwards basta alam ko lang ay bawal. Ngayong araw din ay wala kaming ibang ginawa kundi manood ng iba't ibang mga palabas tungkol sa Panginoon at kay Hesus. Gayunpaman, nakakalungkot pa rin isipin na andaming naantala dahil sa Covid. Ngayong araw ko sana mapapanood ang Way of the Cross at sasama sa prusisyon ng mga santo at santa. Kung 'di mk naitatanong diary, kasama ang aking kuya sa Way of the Cross kaya naman inaabangan ko talaga iyon. Nakakalungkot lang talagang isipin na hindi iyon natuloy. Sa kabilang banda, pinapanalangin ko talaga na bumalik na ang lahat sa dati dahil habang tumatagal ay bumabagsak ang ekonomiya ng bansa at mas lalong maghihirap ang mga Pilipino. Sana lang talaga gumalaw-galaw na ang mga nakaupo sa pwesto at magpakitang gilas sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.
Entry # 41
ReplyDeleteApril 11, 2020
Dear Diary,
Ang sarap manood ng mga vlog na tungkol sa mga tumutulong at nagpapaabot ng relief goods sa mga nahihirapan. Bukod sa pagkain, pagtulog at pagbabasa ng nobela sa wattpad ay nanood din ako ng mga vlog tungkol sa mga may busilak na pusong tumulong sa kapwa. Nakakatuwa lang diary dahil naisipan nilang gawin yun, yung perang kinikita nila hindi lang napupunta sa kung anu-ano, sa ganitong krisis nila naisipang gawing content ang oagtulong sa kapwa. Wala lang diary, para sa akin ayun na ata ang pinakamagandang content na maiisipan ng kahit sinong vlogger. Mas kapansin-pansin pa nga ang nagagawa nilang pagtulong kaysa sa mga opisyal na namumuno. Ayun lang diary, parang trip ko na nga rin magvlog dahil pakiramdam ko ang bilis ng pera at sa ganoong paraan mabilis akong makakaipon at makakatulong na rin sa mga taong hirap sa kani-kanilang buhay.
Entry # 42
ReplyDeleteApril 12, 2020